Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)
Version
Awit 57

57 Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.

Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.

Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.

Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak.

Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.

Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: sila'y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)

Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.

Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: ako'y gigising na maaga.

Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.

10 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.

11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.

1 Samuel 25:23-35

23 At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa.

24 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod.

25 Isinasamo ko sa iyo, na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak, sa makatuwid baga'y kay Nabal; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya: Nabal ang kaniyang pangalan, at ang kamangmangan ay sumasakaniya: nguni't akong iyong lingkod, hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon, na iyong sinugo.

26 Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal.

27 At ngayo'y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon.

28 Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod: sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka't ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw.

29 At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka, at usigin ang iyong kaluluwa, gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway, ay pahihilagpusin niya, na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos.

30 At mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel;

31 Na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon, maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan, o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon: at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon, alalahanin mo nga ang iyong lingkod.

32 At sinabi ni David kay Abigail, Purihin nawa ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako:

33 At purihin nawa ang iyong kabaitan, at pagpalain ka, na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti ng aking sariling kamay.

34 Sapagka't tunay, buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo, kundi ka nagmadali, at pumaritong sumalubong sa akin, tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.

35 Sa gayo'y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya: at sinabi niya sa kaniya, Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay; tingnan mo, aking dininig ang iyong tinig, at aking tinanggap ang iyong pagkatao.

Santiago 5:7-12

Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli.

Mangagtiis din naman kayo; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.

Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto.

10 Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon.

11 Narito, tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon.

12 Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol.

Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

Public Domain