Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)
Version
Awit 12

12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.

Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:

Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?

Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.

Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.

Ang masama ay naggala saa't saan man. Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Kawikaan 14:12-31

12 May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.

13 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.

14 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.

15 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.

16 Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.

17 Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.

18 Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.

19 Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.

20 Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.

21 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.

22 Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.

23 Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.

24 Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.

25 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.

26 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.

27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.

28 Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.

29 Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.

30 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.

31 Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.

Mga Gawa 4:1-12

At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo,

Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.

Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.

At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;

At si Anas, na dakilang saserdote, at si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.

At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?

Nang magkagayo'y si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,

Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;

10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.

11 Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.

12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

Public Domain