Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Pahayag 4

Ang Trono sa Langit

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako. Narito, ang isang bukas na pinto sa langit. At ang unang tinig na aking narinig ay katulad ng isang trumpeta na nagsasalita sa akin. Sinabi nito: Umakyat ka rito. Ipapakita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari pagkatapos ng mga bagay na ito.

Kaagad, ako ay nasa Espiritu at narito, isang trono ang naroon sa langit at isang nakaupo sa trono. Ang siya na nakaupo ay katulad sa isang batong haspe at isang sardonise. Isang bahaghari ang nakapalibot sa trono na katulad ng isang esmeralda. Dalawampu’t apat na luklukan ang nakapalibot sa tronong iyon. Sa mga luklukang iyon, nakita ko ang dala­wampu’t apat na mga matanda na nakaupo roon. Sila ay nakasuot ng mapuputing damit at sa kanilang mga ulo ay may gintong putong. Mga kidlat at mga kulog at mga tinig ang lumalabas mula sa trono. Pitong ilawan ng apoy ang nagniningas sa harap ng trono. Sila ay ang pitong Espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono ay isang lawa ng salamin na katulad ng kristal.

Sa gitna ng trono at sa palibot ng trono ay may apat na buhay na nilalang, puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

Ang unang buhay na nilalang ay katulad sa isang leon. Ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang guya. Ang ikatlong buhay na nilalang ay mayroong mukhang katulad ng isang tao. Ang ikaapat na buhay na nilalang ay lumilipad katulad ng isang agila. Ang bawat isa sa apat na buhay na nilalang ay may anim na pakpak sa kaniyang sarili. Puno ng mga mata sa buong palibot at sa loob nila. At hindi sila tumitigil araw at gabi sa pagsasabi ng:

Banal! Banal! Banal! Panginoong Diyos na Makapang­yarihan sa lahat. Siya ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang darating.

At nang ang mga buhay na nilalang ay magbibigay papuri at karangalan at pasasalamat sa kaniya na nakaupo sa trono na siyang nabubuhay magpakailan pa man. 10 Ang dala­wampu’t apat na matanda ay magpapatirapa sa harapan ng nakaupo sa trono. Sasambahin nila ang nabubuhay mula sa kapanahunan hanggang sa kapanahunan. At ilalagay nila ang kanilang mga putong sa harapan ng trono. 11 Sasabihin nilang:

O, Panginoon, karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwal­hatian at karangalan at kapangyarihan sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay naroroon at sila ay nalalang.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International