Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 15:1-11

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

15 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan.

Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumam­palataya kayo nang walang kabuluhan.

Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan. Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. Siya ay nagpakita kay Cefas at gayundin sa labindalawang alagad. Pagkatapos nito sa isang pagkakataon, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatiran. Ang nakakaraming bahagi nito ay nananatili hanggang ngayon at ang ilan ay natulog na. Pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago at saka sa lahat ng mga apostol. Sa kahuli-hulilan, nagpakita siya sa akin, ako na tulad ng isang sanggol na ipinanganak ng wala sa panahon.

Ito ay sapagkat ako ang pinakamababa sa lahat ng mga apostol, na hindi nararapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesiya ng Diyos. 10 Dahil sa biyaya ng Diyos ako ay naging ako at ang biyaya niya na para sa akin ay hindinaging walang kabuluhan. Ako ay nagpagal nang higit pa sa kanilang lahat, ngunit hindi ako kundi ang biyaya ng Diyos na sumasaakin. 11 Kaya nga, maging ako man o sila, ito ang ipinangaral namin at kayo ay sumampalataya.

Lucas 5:1-11

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad

Nangyari nga, habang nagkakatipun-tipon ang mga tao sa kaniya upang makinig ng salita ng Diyos, siya ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret.

Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa. Ang mga mangingisda ay nakababa na sa bangka at naghuhugas ng mga lambat. Sumakay siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon. Ipinakiusap niya kay Simon na ilayo ng kaunti sa baybayin ang bangka. Pagkaupo niya, siya ay nagturo sa mga tao mula sa bangka.

Pagkatapos niyang magsalita, nagsabi siya kay Simon: Pumalaot kayo. Ihulog ninyo ang mga lambat upang makahuli ng mga isda.

Sumagot si Simon na sinabi: Guro, magdamag kaming nagpagal at wala kaming nahuli. Gayunman kahit wala kaming nahuli, sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat.

Pagkagawa nila ng gayon, nakahuli sila ng napakaraming isda at ang lambat ay napupunit. Kinawayan nila ang kanilang kapwa mangingisda na nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Lumapit sila at pinuno ang dalawang bangka kaya sila ay papalubog.

Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa mga tuhod ni Jesus. Sinabi niya: Panginoon, lumayo ka sa akin sapagkat ako ay isang taong makasalanan. Sinabi niya ito sapagkat siya ay namangha, gayundin ang kaniyang mga kasamahan dahil sa napakaraming huli. 10 Namangha rin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga katuwang ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon: Huwag kang matakot. Mula ngayon ay mamalakaya ka na ng tao. 11 Pagkadaong nila ng mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International