Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang Baluting Ibinibigay ng Diyos
10 Sa katapusan mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kaniyang makapangyarihang lakas.
11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa masamang araw at pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay ay manatili kayong nakatayo. 14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ang inyong mga balakang ng katotohanan at isuot ninyo ang baluting pandibdib ng katuwiran. 15 Sa inyong mga paa ay isuot ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan. 16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos.
Copyright © 1998 by Bibles International