Revised Common Lectionary (Complementary)
Namumuhay Bilang mga Anak ng Liwanag
17 Kaya nga, sinasabi ko ito at pinatotohanan sa Panginoon na huwag na kayong mamuhay tulad ng ibang mga Gentil na namuhay sa kanilang pag-iisip na walang kabuluhan.
18 Ang kanilang pang-unawa aynadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. 19 Sa kanilang kawalan ng pakiramdam ay isinuko nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan upang magawa nila ang lahat ng karumihan na may kasakiman.
20 Ngunit hindi sa ganoong paraan kayo natuto patungkol kay Cristo. 21 Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus. 22 Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa. 23 Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan. 24 At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan.
25 Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa. 26 Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot. 27 Huwag din ninyong bigyan ngpuwang ang diyablo. 28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.
29 Huwag ninyong pabayaang mamutawi sa inyong mga bibig ang anumang bulok na salita. Subalit kung mayroon man, ay mamutawi yaong mabuti na kagamit-gamit sa ikatitibay upang ito ay makapagbigay biyaya sa nakikinig. 30 Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamamagitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan. 31 Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin. 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isa’t isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.
5 Kaya nga, tularan ninyo ang Diyos bilang mga minamahal na mga anak.
Copyright © 1998 by Bibles International