Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 21:19-24

19 Sinabi niya ito upang ipahayag kung paano siya mamamatay at maluwalhati niya ang Diyos. Pagkasabi niya nito, sinabi niya sa kaniya: Sumunod ka sa akin.

20 Ngunit lumingon si Pedro at nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan na nagsabi: Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo? 21 Nang makita siya ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng isang ito?

22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin. 23 Kaya nga, ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapa­tiran, na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi siya mamamatay. Ang sinabi niya: Kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa iyo?

24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International