Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Pedro 1:2-15

Sumagana sa inyo ang biyaya at kapayapaan sa pagka­kilala sa Diyos at kay Jesus na Panginoon natin.

Tiyakin Ninyong Kayo ay Tinawag at Hinirang ng Diyos

Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapang­yarihan.

Sa pamamagitan nito, ibinigay niya sa atin ang kaniyang mga mahalaga at dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa banal na kalikasan ng Diyos. Yamang nakaiwas na kayo sa kabulukan na nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa, nakabahagi kayo sa banal na kabanalan ng Diyos.

Dahil dito, pagsikapan ninyong idagdag sa inyong pananam­palataya ang kagandahang-asal at sa kagandahang-asal, ang kaalaman. Idagdag ninyo sa kaalaman ang pagpipigil, at sa pagpipigil ay ang pagtitiis, at sa pagtitiis ay ang pagkamaka-Diyos. Idagdag ninyo sa pagkamaka-Diyos ay ang pag-ibig sa kapatid at sa pag-ibig sa kapatid ay ang pag-ibig. Ito ay sapagkat kung taglay ninyo at nananagana sa inyo ang mga katangiang ito, hindi kayo magiging tamad o walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. Ngunit ang sinumang wala ng mga katangiang ito ay bulag, maiksi ang pananaw. Nakalimutan na niyang nalinis na siya sa mga dati niyang kasalanan.

10 Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong lalo na maging tiyak ang pagkatawag at pagkahirang sa inyo sapagkat kung gagawin ninyo ito, kailanman ay hindi na kayo matitisod. 11 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan ay ibibigay sa inyo ang masaganang pagpasok sa walang hanggang paghahari ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo.

Ang Kasulatan ay Sinabi na Noong Una Pa

12 Kaya nga, hindi ako magpapabaya sa pagpapaala-ala sa inyo ng mga bagay na ito bagamat alam na ninyo ang mga katotohanan at matatag na kayo sa katotohanan na inyo nang tinaglay.

13 Aking minabuti na pakilusin kayo upang maala-ala ninyo ito samantalang nabubuhay pa ako sa toldang ito na pansamantalang tirahan. 14 Yamang alam kong hindi na magta­tagal at lilisanin ko na ang aking tirahan ayon sa ipinakita sa akin ng ating Panginoong Jesucristo. 15 Sisikapin ko ang lahat upang sa aking pag-alis ay maala-ala pa ninyo ang mga bagay na ito.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International