Revised Common Lectionary (Complementary)
9 Sapagkat anong pasasalamat ang ibibigay namin sa Diyos patungkol sa inyo? Paano namin pasasalamatan ang lahat ng kagalakang ikinagagalak namin alang-alang sa inyo sa harap ng ating Diyos? 10 Gabi at araw ay maningas naming ipinananalangin na makita ang inyong mga mukha at lubos na mapunan ang kakulangan sa inyong pananampalataya.
11 Ngunit ang Diyos nawa at ating Ama at ang Panginoong Jesucristo ang siyang pumatnubay sa aming daan papunta sa inyo. 12 Palaguin at pag-apawin nawa kayo ng Diyos sa pag-ibig sa isa’t isa at sa lahat tulad din naman namin sa inyo. 13 Ito ay upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harapan ng ating Diyos at Ama sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesucristo kasama ang lahat niyang mga banal.
25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, at sa buwan at sa mga bituin. Sa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng kabalisahan ng mga bansa na may pagkalito. Magkakaroon ng malakas na ugong ng daluyong at ng dagat. 26 Panghihinaan ng loob ang mga lalaki dahil sa takot at sa paghihintay roon sa daratingsa daigdig sapagkat ang kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig. 27 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, itingala ninyo ang inyong mga ulo at tumingin sa itaas sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.
29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. 30 Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. 31 Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari na, alam ninyong ang paghahari ng Diyos ay malapit na.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat. 33 Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.
Ang Katupaaran ng Kautusan
34 Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili baka mapuno anginyong mga puso ng ugali ng pagkalango at paglalasing at pagkabalisa sa buhay na ito. At bigla kayong datnan ng araw na iyon.
35 Ito ay sapagkat tulad sa bitag, ito ay darating sa kanilang lahat nanananahan sa buong daigdig. 36 Magbantay nga kayo at laging manalangin. Ito ay upang kayo ay maibilang na karapat-dapat na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari. Ito rin ay upang kayo ay makatayo sa harap ng Anak ng Tao.
Copyright © 1998 by Bibles International