Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Marcos 13:9-23

Datapuwat ingatan ninyo ang inyong sarili sapagkat: Ibibigay nila kayo sa mga sanggunian at sa mga sinagoga. Kayo ay kanilang hahagupitin at dadalhin sa harapan ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Dahil sa mga bagay na ito, kayo ay magiging patotoo sa kanila. 10 Kinakailangang ipangaral muna sa lahat ng mga bansa ang ebanghelyo. 11 Kapag kayo ay hulihin at dalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin. Huwag din ninyong pakaisipin kung ano ang inyong sasabihin. Subalit kung ano ang ipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang magsasalita sa kanila kundi ang Banal na Espiritu.

12 Ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, ibibigay ng ama ang kaniyang anak. At ang mga anak ay maghihi­magsik sa mga magulang at kanila silang ipapapatay. 13 Kayo ay kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. Subalit siya na magtitiis hanggang wakas ay maliligtas.

14 Makikita ninyo ang kasuklam-suklam na tao na maninira, na nakatayo doon sa hindi niya dapat kalagyan. Isinulat ni Daniel na propeta ang patungkol sa kaniya. Unawain ito ng bumabasa. Kapag nakita ninyo ito, ang nasa Judea ay magmadaling tumakbo sa bundok. 15 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba sa bahay. Huwag na rin siyang pumasok upang maglabas ng anuman sa kaniyang bahay. 16 Ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang kasuotan. 17 Sa aba ng mga nagdadalangtao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 18 Manalangin kayo na huwag mangyari sa taglamig ang inyong pagtakas. 19 Ito ay sapagkat sa mga araw na iyon ay magkakaroon ng kahirapan. Ang mga ganito ay hindi pa nangyayari mula pa sa unang nilalang na nilikha ng Diyos hanggang ngayon at ito ay hindi mangyayari kailanman. 20 Kung hindi babawasan ng Panginoon ang bilang ng mga araw na iyon ay walang taong makakaligtas. Subalit dahil sa hirang na kaniyang pinili, babawasan niya ang mga araw na iyon.

Ang Pagdating ng Paghahari ng Diyos

21 Kaya kung may magsabi sa inyo: Narito, ang Mesiyas ay narito na. O narito, ang Mesiyas ay naroon. Huwag ninyo itong paniwalaan.

22 Ito ay sapagkat mayroong lilitaw na mga bulaang Mesiyas at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa. Gagawin nila ito upang dayain kung maaari kahit ang hinirang. 23 Subalit mag-ingat kayo. Narito, sinabi ko na sa inyo noong una ang lahat ng mga bagay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International