Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Santiago 1:17-27

17 Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ni anino man ng pagtalikod. 18 Sa kaniyang sariling kalooban ay ipinanganak niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan upang maging isang uri tayo ng mga unang-bunga ng kaniyang mga nilikha.

Pakikinig at Pagsasagawa

19 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, ang bawat tao ay dapat maging maagap sa pakikinig at maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot.

20 Ito ay sapagkat ang poot ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21 Kaya nga, hubarin ninyo ang lahat ng karumihan at ang pag-uumapaw ng kasamaan. Tanggapin ninyo nang may kababaan ng loob ang salitang ihinugpong sa inyo na makakapagligtas sa inyong mga kaluluwa.

22 Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga­pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili. 23 Ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi tagatupad nito ay natutulad sa isang taong minamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24 Pagkatapos niyang masdan ang kaniyang sarili, siya ay lumisan at kinalimutan niya kaagad kung ano ang uri ng kaniyang pagkatao. 25 Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito ay tagapakinig na hindi nakakalimot sa halip siya ay tagatupad ng salita. Ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang ginagawa.

26 Kung ang sinuman sa inyo ay waring relihiyoso at hindi niya pinipigil ang kaniyang dila, subalit dinadaya niya ang kaniyang puso, ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27 Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos Ama ay ang pagdalaw sa mga ulila at sa mga babaeng balo sa kanilang paghihirap. Ito ay upang maingatan ang kaniyang sarili na hindi mabahiran ng sanlibutan.

Marcos 7:1-8

Ang Malinis at ang Marumi

Sama-samang nagkatipun-tipon sa kinarooronan ni Jesus ang mga Fariseo at ilang mga guro ng kautusan na nagmula sa Jerusalem.

Nakita nila ang ilan sa mga alagad ni Jesus na kumakain ng tinapay na may madungis na mga kamay. Pinulaan nila ang mga alagad. Ito ay sapagkat ang mga Fariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain malibang makakapaghugas sila sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay. Pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga matanda. Kapag galing sa pamilihang dako, hindi rin sila kumakain nang hindi muna sila naghuhugas[a] ng kanilang sarili. Marami pang ibang mga bagay ang kanilang pinanghahawakan na kanilang tinanggap at sinusunod. Ito ay tulad ng paglubog ng saro, ng banga, ng mga kagamitang tanso at ng mga higaan.

Kayat tinanong siya ng mga Fariseo at ng mga guro ng kautusan. Bakit hindi lumalakad ang mga alagad mo ayon sa mga kaugalian ng mga matanda? Subalit kumakain sila ng tinapay, na hindi naghuhugas sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay.

Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Tama ang pagkahayag ni Isaias patungkol sa inyo, mga mapagpaimbabaw. Ito ay gaya ng nasusulat:

Iginagalang ako ng mga taong ito sa pamama­gitan ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.

Sinasamba nila ako nang walang kabuluhan, na nagtuturo ng mga turong utos ng tao.

Ito ay sapagkat iniwanan ninyo ang utos ng Diyos at inyong pinanghawakan ang mga kaugalian ng mga tao tulad ng paglubog sa natatanging paraan ng mga banga at mga saro. Marami pang ganitong mga bagay ang inyong ginagawa.

Marcos 7:14-15

14 Muling pinalapit ni Jesus sa kaniya ang napakaraming tao at sinabi niya sa kanila: Makinig kayong lahat sa akin at inyong unawain ang aking mga salita. 15 Ang nagpaparumi sa tao ay hindi ang pumapasok sa kaniya mula sa labas kundi ang lumalabas sa kaniya.

Marcos 7:21-23

21 Ito ay sapagkat mula sa loob, sa puso ng tao nagmumula ang masamang kaisipan, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagpatay. 22 Mga pagnanakaw, mga pag-iimbot, mga kasamaan, pandaraya, kalibugan, pagkainggit, matang masama, pamumusong, kayabangan at kahangalan. 23 Ang lahat ng kasamaang ito ay nagmumula sa loob at siyang nagpaparumi sa tao.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International