Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 15:16-25

16 Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga aymanatili. At anumang ang inyong hingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. 17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa.

Kinapopootan ng Sanlibutan ang mga Alagad

18 Yamang ang sangkatauhan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago kayo.

19 Ngunit kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sangkatauhan ang sariling kaniya. Subalit hindi kayo sa sanlibutan.Hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil nga dito, kinapopootan kayo ng sankatauhan. 20 Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi nakakahigit sa kaniyang panginoon. Yamang ako ay kanilanginusig, kayo rin naman ay uusigin nila. Kung tinupad nila ang aking salita ay tutuparin din naman nila ang sa inyo. 21 Subalit ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa pangalan ko sapagkat hindi nilakilala ang nagsugo sa akin. 22 Kung hindi ako narito at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkasala. Ngunit ngayon ay wala na silang maikakatwiran sa kanilang kasalanan. 23 Ang napo­poot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama. 24 Kung hindi ko ginawa sa harap nila ang mga gawaing hindi magagawa ng sinuman, hindi sana sila nagkasala. Ngayon ay kapwa nila nakita at kinapootan ako at ang akin ding Ama. 25 Ito ay upang matupad ang salita na nasusulat sa kanilang kautusan: Kinapootan nila ako ng walang dahilan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International