Revised Common Lectionary (Complementary)
10 Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob.
15 Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.
19 Sa gayo'y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya'y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang balabal niya.
20 At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka't ano ang ginawa ko sa iyo?
21 At siya'y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo'y tumindig siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod sa kaniya.
9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
11 Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
12 Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
13 Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
Public Domain