Font Size
Revised Common Lectionary (Complementary) / Psalm 123 (Our eyes look to you O God); Jeremiah 7:27-34 (Disobeying the voice of the Lord); Matthew 8:18-22 (The cost of discipleship) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Complementary)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Mateo 8:18-22
Ang Halaga ng Pagsunod kay Jesus
18 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa palibot niya, nag-utos siya upang tumawid sa kabilang ibayo ng lawa.
19 May lumapit sa kaniya na isang guro ng kautusan. Sinabi nito sa kaniya: Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
20 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad. Ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.
21 At isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi: Panginoon, pahintulutan mo muna akong makauwi upang ilibing ang aking ama.
22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Bayaan mong ilibing ng patay ang kanilang patay.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International