Revised Common Lectionary (Complementary)
Si Hagar at si Sara
21 Kayong ibig na mapasa-ilalim ng kautusan, magsabi kayo sa akin: Hindi ba ninyo naririnig kung ano ang sinasabi ng kautusan?
22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya. 23 Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman at ang anak sa malayang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito ay mga paghahambing sapagkat ang dalawang babaeng ito ay kumakatawan sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa bundok ng Sinai. Siya ay manganganak ng anak sa pagkaalipin. Ang babaeng ito ay si Hagar. 25 Ito ay sapagkat si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai na nasa bansang Arabia. Siya ang tumutukoy sa Jerusalem sa ngayon at ang kaniyang mga anak ay nasa pagkaalipin. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya. Siya ang ina nating lahat. 27 Ito ay sapagkat nasusulat:
O babaeng baog na hindi nanganganak, magalak ka, sumigaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak sapagkat higit na marami ang anak ng babaeng pinabayaan kaysa sa babaeng may-asawa.
28 Ngunit tayo, mga kapatid, ay katulad ni Isaac na mga anak sa pangako. 29 Subalit sa panahong iyon, ang anak na isinilang ayon sa laman ay umusig sa anak na isinilang ayon sa Espiritu.Gayundin naman ngayon. 30 Subalit ano ang sinasabi ng kasulatan? Ito ay nagsasabi:
Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak. Ito ay sapagkat ang anak ng aliping babae ay hindi kailanman magmamana ng kasama ng anak ng malayang babae.
31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng aliping babae kundi ng babaeng malaya.
Kalayaan kay Cristo
5 Tayo ay pinalaya ni Cristo. Magpakatatag kayo sa kalayaang ito at huwag na ninyong hayaang ang sinuman na dalhin kayong muli sa pamatok ng pagkaalipin.
Copyright © 1998 by Bibles International