Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Judas 17-25

Panawagan para Manatiling Matatag

17 Ngunit kayo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga salita na ipinaliwanag na sa inyo noon pang una ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo.

18 Sinabi nila sa inyo na sa huling araw ay lilitaw ang mga manlilibak. Sila ay lalakad ayon sa sarili nilang masamang hangarin at ng hindi pagkilala sa Diyos. 19 Ang mga ito ang lumikha ng pagkakabaha-bahagi. Sila ay lumalakad ayon sa kanilang likas na pagkatao at wala sa kanila ang Espiritu.

20 Ngunit kayo, mga minamahal, patatagin ninyo ang inyong sarili sa napakabanal na pananampalatya. Manalangin kayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 21 Habang naghihintay kayo, panatilihin ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos. Hintayin ninyo ang habag ng ating Panginoong Jesucristo na patungo sa walang hanggang buhay. 22 Kahabagan ninyo ang mga nag-aalinlangan. 23 Sagipin ninyong may takot ang iba, agawin ninyo sila mula sa apoy. Gayundin, kapootan ninyo kahit ang damit na nadungisan ng laman.

Papuri

24 Ang Diyos ang makapag-iingat sa inyo mula sa pagkakatisod at makapaghaharap sa inyo nang walang kapintasan na may malaking galak sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.

25 Sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sumakaniya ang kapurihan at kadakilaan, ang kapangyarihan at kapamahalaan mula ngayon at magpakailanman. Siya nawa!

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International