Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang Awit ni Maria
46 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.
47 Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mgadakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya. 51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. Ang mgamayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.
Pagtitiis sa Paghihirap
7 Mga kapatid ko, magtiis kayo hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. Narito, ang magsasaka ay naghihintay sa mahalagang bunga ng lupa. Hinihintay niya ito ng may pagtitiyaga hanggang sa matanggap nito ang una at huling ulan.
8 Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong kalooban sapagkat malapit na ang pagbabalik ng Panginoon. 9 Mga kapatid, huwag kayong magsumbatan sa isa’t isa upang hindi kayo mahatulan. Narito, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.
10 Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis.
2 Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, nagsugo siya ng dalawa sa kaniyang mga alagad. 3 At sinabi nila sa kaniya: Ikaw ba yaong paparito, o maghihintay pa kami ng iba?
4 Sumagot si Jesus sa kanila: Pumaroon kayo kay Juan at ibalita ninyo ang mga bagay na inyong narinig at nakita. 5 Nakakakita na ang mga bulag at nakakalakad na ang mga lumpo. Luminis na ang mga ketongin at nakakarinig na ang mga bingi. Nabuhay ang mga patay at ang ebanghelyo ay ipinangaral na sa mga dukha. 6 Pinagpala ang taong hindi natitisod sa akin.
7 Pagkaalis nila, nagsimulang magsalita si Jesus sa napakaraming tao patungkol kay Juan. Ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo sa ilang? Isa bang tambo na inuuga ng hangin? 8 Sa inyong paglabas, ano ba ang nais ninyong makita? Isang taong nagdadamit ng malambot na kasuotan? Narito, ang mga nagdadamit ng malambot na kasuotan ay nasa mga bahay ng mga hari. 9 Ngunit ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo? Isa bang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo: Higit pa sa isang propeta. 10 Ito ay sapagkat siya ang tinutukoy sa isinulat sa mga kasulatan:
Narito, isinusugo ko ang aking sugo na mauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong daraanan.
11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa lahat nang ipinanganak ng mga babae, walang lumitaw nang higit na dakila kaysa kay Juan na tagapagbawtismo. Gayunman, ang pinakamaliit sa paghahari ng langit ay higit na dakila kaysasa kaniya.
Copyright © 1998 by Bibles International