Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 15:4-13

Ito ay sapagkat ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat para sa ikatututo natin upang magkaroon tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtitiis at pagpapalakas-loob na mula sa kasulatan.

Ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng pagtitiis at pagpapalakas-loob upang magkaroon kayo ng iisang kaisipan sa isa’t isa ayon kay Cristo Jesus. Gagawin niya ito upang sa nagkakaisang kaisipan at nagkakaisang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Kaya nga, upang maluwalhati ang Diyos, tanggapin ninyo ang bawat isa ayon sa paraan ng pagtanggap sa atin ni Cristo. Ngunit sinasabi: SiJesucristo ay naging tagapaglingkod ng mga nasa pagtutuli para sa katotohanan ng Diyos, upang tiyakin ang mga pangako ng Diyos na ibinigay niya sa mga ninuno. At upang ang mga Gentil ay lumuwalhati sa Diyos dahil sa kaniyang kahabagan. Ayon sa nasusulat:

Dahil dito ihahayag kita sa mga Gentil at ako ay aawit ng papuri sa iyong pangalan.

10 Muli ay sinabi ng kautusan:

Kayong mga Gentil, magalak kayong kasama ng kaniyang mga tao.

11 At muli:

Kayong lahat ng mga Gentil, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat ng mga tao, purihin ninyo siya.

12 Muli ay sinabi ni Isaias:

Magkakaroon ng ugat ni Jesse. Siya ang titindig upang maghari sa mga Gentil. Sa kaniya aasa ang mga Gentil.

13 Sa inyong pagsampalataya, mapupuno kayo ng kagalakan at kapayapaan. Gagawin ito sa inyo ng Diyos ng pag-asa upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Mateo 3:1-12

Si Juan na Tagapagbawtismo ay Nangaral at Nagbawtismo

Nang panahong iyon, dumating si Juan na tagapagbawtismo. Siya ay nangangaral sa ilang ng Judea.

Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit. Ito ay sapagkat siya ang tinutukoy ni propeta Isaias nang kaniyang sabihin:

Ang tinig ng isang lalaking sumisigaw sa ilang. Sinabi niya: Ihanda ninyo ang daan para sa Pangi­noon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Ang damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo at may isang pamigkis na katad sa kaniyang baywang. Ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. Pumunta sa kaniya ang mga tao mula sa Jerusalem, mula sa buong Judea at sa lahat ng mga dako sa palibot ng Jordan. Pinagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan at binabawtismuhan niya sila sa ilog ng Jordan.

Maraming Fariseo at Saduseo ang lumalapit sa kaniyang pagbabawtismo. Nang makita niya sila, sinabi niya: Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang takasan ang malapit nang dumating na galit ng Diyos? Magbunga nga kayo nang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong ipalagay sa inyong sarili: Si Abraham ang aming ama. Sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay makakalikha ng mga anak ni Abraham mula sa batong ito. 10 Ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punong-kahoy. Kaya nga, ang bawat punong-kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay puputulin at ihahagis sa apoy.

11 Binabawtismuhan ko nga kayo ng tubig sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat magdala ng kaniyang panyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 12 Hawak na niya ang kaniyang pantahip upang linisin niya nang lubos ang kaniyang giikan. Titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan. Ngunit ang dayami ay susunugin niya sa apoy na hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International