Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Mateo 23:37-24:14

37 Jerusalem! Jerusalem! Ikaw na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak katulad ng pagtipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang pakpak, ngunit ayaw ninyo? 38 Narito, ang iyong bahay ay iniwanang wasak. 39 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa iyo: Hindi mo na ako makikita mula ngayon, hanggang sabihin mo: Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.

Mga Tanda ng Huling Kapanahunan

24 Si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang ituro sa kaniya ang mga gusali ng templo.

Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila: Nakikita ba ninyo ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Walang maiiwanang isang bato dito na nakapatong sa kapwa bato na hindi babagsak.

Habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang bukod. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang tanda ng iyong pagdating at ang mga tanda ng katapusan ng kapanahunang ito?

Sumagot si Jesus sa kanila: Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman. Ito ay sapagkat maraming darating sa aking pangalan. Sasabihin nila: Ako ang Mesiyas. At marami silang ililigaw. Maririnig na ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan. Ngunit huwag kayong mabalisa sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari, ngunit hindi pa ito ang wakas. Ito ay sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at babangon ang isang paghahari laban sa isang paghahari. Magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot at mga lindol sa iba’t ibang dako. Ang lahat ng mga ito ay pasimula ng sakit na nararamdaman ng isang babaeng manganganak.

Pagkatapos ay ibibigay nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo. Kapopootan kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10 Marami ang matitisod at magkakanulo sa isa’t isa at mapopoot sa isa’t isa. 11 Maraming lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw ang marami. 12 Dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. 13 Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas. 14 Ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay ipapangaral muna sa buong daigdig upang maging patotoo sa lahat ng mga bansa. Pagkatapos ay darating na ang wakas.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International