Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 1:18-25

Ang Poot ng Diyos Laban sa Sangkatauhan

18 Ngayon, nahayag mula sa langit ang galit ng Diyos laban sa lahat ng kawalang pagkilala sa Diyos at hindi pagiging matuwid ng mga tao. Kanilang pinipigil ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang hindi pagiging matuwid.

19 Ito ay sapagkat ang maaari nilang malaman patungkol sa Diyos ay maliwanag na sa kanila, dahil inihayag na ito ng Diyos sa kanila. 20 Ito ay sapagkat ang hindi nakikitang mga bagay patungkol sa Diyos, simula pa sa paglikha ng sanlibutan, ay malinaw na nakikita na nauunawaan ng mga bagay na nalikha, kahit ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kaya nga, wala na silang anumang maidadahilan.

21 Ito ay sapagkat kahit kilala na nila ang Diyos, hindi nila siya niluwalhati bilang Diyos, ni nagpasalamat sa kaniya. Sa halip, ang kanilang pag-iisip ay naging walang kabuluhan at ang mga puso nilang hindi nakakaunawa ay napuno ng kadiliman. 22 Sa pagsasabi nilang sila ay matatalino, sila ay naging mga mangmang. 23 Ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kabulukan ay pinalitan nila ng tulad ng anyo ng taong may kabulukan. At ng mga anyo ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa at ng mga hayop na gumagapang.

24 Kaya nga, hinayaan sila ng Diyos na gumawa ng maruruming mga bagay ayon sa pagnanasa ng kanilang mga puso. Ang idinulot nito ay ang paglapastangan ng kanilang mga katawan sa isa’t isa. 25 Pinalitan nila ng kasinunga­lingan ang katotohanan ng Diyos. Ang nilikhang bagay ay sinamba nila at pinaglingkuran kaysa sa lumikha, na pinupuri magpakailanman. Siya nawa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International