Revised Common Lectionary (Complementary)
Pinag-alinlanganan ang Kapamahalaan ni Jesus
20 Nangyari, na isa sa mga araw na iyon, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at ipinangangaral ang ebanghelyo, pumunta sa kaniyaang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan na kasama nila ang mga matanda.
2 Nagsalita sila sa kaniya. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin kung sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?
3 Sumagot siya sa kanila na sinabi: Itatanong ko rin sa inyo ang isang bagay. Sabihin ninyo sa akin: 4 Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa tao?
5 Nagtanungan sila sa isa’t isa na sinasabi: Kung sabihin nating mula sa langit, sasabihin niya: Kung gayon, bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? 6 Ngunit kapag sinabi nating mula sa mga tao, babatuhin tayo ng lahat ng mga tao sapagkat naniniwala silang si Juan ay isang propeta.
7 Sumagot sila kay Jesus na hindi nila alam kung saan iyon nagmula.
8 Sinabi ni Jesus sa kanila: Kahit ako, hindi ko rin sasabihin kung sa anong kapamahalaan ko ginagawa ang mga bagay na ito.
Copyright © 1998 by Bibles International