Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Timoteo 3:10-15

Ang Bilin ni Pablo kay Timoteo

10 Ngunit maingat mong sinunod ang mga itinuro ko, ang aking pamamaraan sa buhay, ang aking layunin, pananam­palataya, pagtitiyaga, pag-ibig at pagtitiis.

11 Alam mo ang aking mga pag-uusig at ang aking mga kahirapan. Alam mo ang mga bagay na nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio at sa Listra. Alam mo kung anong uri ng pag-uusig ang aking binata. Iniligtas ako ng Panginoon mula sa lahat ng ito. 12 At lahat nga ng ibig na mamuhay kay Cristo ng may pagkamaka-Diyosay uusigin. 13 Ngunit ang mga taong masasama at mga mapagpakunwari ay higit pang sasama. Inililigaw nila ang iba at ililigaw din sila ng iba. 14 Ngunit ikaw ay manatili sa mga bagay na iyong natutunan at sa mga bagay na nakakatiyak ka, sapagkat kilala mo kung kanino mo ito natutuhan. 15 Mula ng ikaw ay sanggol pa lamang, alam mo na ang banal na mga kasulatan na makakapagbigay ng karunungan sa iyo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International