Revised Common Lectionary (Complementary)
Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo
39 Umalis si Jesus at ayon sa kaniyang kinaugalian ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
40 Pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila: Manalangin kayo na huwag kayong mapasok sa tukso. 41 Humiwalay siya sa kanila na ang layo ay maaabot ng pukol ng bato at siya ay lumuhod at nanalangin. 42 Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari. 43 Nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit. Pinalalakas siya nito. 44 Sa matindi niyang pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim. Ang pawis niya ay naging tulad ng patak ng dugo na pumapatak sa lupa.
45 Pagkatapos niyang manalangin, tumindig siya. Sa pagpunta niya sa kaniyang mga alagad, nasumpungan niya silang natutulog dahil sa kalumbayan. 46 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso.
Copyright © 1998 by Bibles International