Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Timoteo 3:14-4:5

14 Ngunit ikaw ay manatili sa mga bagay na iyong natutunan at sa mga bagay na nakakatiyak ka, sapagkat kilala mo kung kanino mo ito natutuhan. 15 Mula ng ikaw ay sanggol pa lamang, alam mo na ang banal na mga kasulatan na makakapagbigay ng karunungan sa iyo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran. 17 Ito ay upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, na naihandang lubos sa mga mabubuting gawa.

Inuutusan kita sa harap ng Diyos at sa harapan ng Panginoong Jesucristo, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay sa kaniyang pagpapakita at paghahari. Ipangaral mo ang salita. Maging handa ka sa mabuting panahon o sa hindi mabuting panahon. Manumbat ka, magsaway ka, manghi­kayat kang may katapatan at pagtuturo. Ito ay sapagkat ang panahon ay darating na ang mga tao ay ayaw nang tumanggap ng mabuting katuruan. Sa halip, ayon sa kanilang mga sariling pagnanasa, mag-iipon sila ng mga guro para sa kanilangmga sarili. Magtuturo sila kung ano ang nais ng kanilang nangangating tainga. Itatalikod nila ang kanilang mga tainga mula sa katotohanan. Babaling sila sa mga alamat. Ngunit ikaw, maging maayos ang iyong pag-iisip sa lahat ng mga bagay. Tiisin mo ang lahat ng kahirapan. Gawin mo ang gawain ng isang mangangaral ng ebanghelyo. Ganapin mong lubusan ang iyong paglilingkod.

Lucas 18:1-8

Ang Talinghaga Patungkol sa Matiyagang Balo

18 Nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila upang ipabatid sa kanila na kinakailangang manalangin lagi at huwag manghina.

Sinabi niya: Sa isang lungsod ay may isang hukom. Hindi siya natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang tao. Sa lungsod na iyon ay may isang balo na laging nagpu­punta sa kaniya. Sinasabi nito: Ipaghiganti mo ako sa aking kalaban.

Sa ilang panahon, ang hukom ay umayaw. Sa bandang huli, sinabi niya sa kaniyang sarili: Hindi ko kinatatakutan ang Diyos at wala akong iginagalang na tao. Ngunit ipaghihiganti ko ang balong ito, kung hindi, papagurin niya ako sa kaniyang patuloy na pagparito.

Sinabi ng Panginoon: Dinggin ninyo kung ano ang sinasabi ng di-makatarungang hukom. Hindi ba ipaghihiganti ng Diyos ang kaniyang mga pinili na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya mapagpasensiya ng lubos sa kanila? Sinasabi ko sa inyo: Agad niya silang ipaghihiganti. Magkagayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International