Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Mateo 10:5-15

Ang labindalawang ito ay sinugo ni Jesus. Sila ay inutusan niya na sinasabi: Huwag kayong pupunta sa daan ng mga Gentil at huwag kayong papasok sa alin mang lungsod ng mga taga-Samaria. Sa halip, pumunta kayo sa nawawalang tupa sa sambahayan ni Israel. Sa inyong paghayo, ito ang inyong ipangangaral: Ang paghahari ng langit ay nalalapit na. At pagalingin ninyo ang mga maysakit at linisin ninyo ang mga ketongin. Buhayin ninyo ang mga patay at magpalayas kayo ng mga demonyo. Ang tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad. Huwag kayong magbaon ng ginto, o pilak o tanso man sa inyong mga pamigkis. 10 Huwag kayong magbaon ng bayong sa inyong paglalakbay, o ng dalawang balabal, o panyapak o ng tungkod man sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang pagkain.

11 Kapag pumasok kayo sa anumang lungsod o bayan, alamin ninyo kung sino ang karapat-dapat doon. Tumuloy kayo sa kanila hanggang sa inyong pag-alis. 12 Pagpasok ninyo sa isang bahay, bumati kayo sa kanila. 13 Kung ang bahay ay karapat-dapat, sumakanila nawa ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, bumalik nawa sa inyo ang inyong kapayapaan. 14 Ang sinumang hindi tumanggap sa inyo, ni makinig sa inyong mga salita, lumabas kayo sa bahay, o lungsod na iyon. Paglabas ninyo, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa araw ng paghatol ay higit na magaan ang parusa sa lupain ng Sodoma at Gomora kaysa sa lungsod na iyon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International