Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Juan 5:1-5

Pananampalataya sa Anak ng Diyos

Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya.

Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kung iniibig natin ang Diyos at sinusunod ang kaniyang mga utos. Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. Dahil ang sinuman na ang kapanganakan ay mulasa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan at ito ang pagta­tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananam­palataya. Sino ang nagtatagumpay sa sanli­butan? Hindi ba ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos?

1 Juan 5:13-21

Mga Panghuling Salita

13 Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upanginyong malaman na kayo ay may buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.

14 Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa kaniya. Ito ang kapanatagan na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya ito. 15 Yamang alam nating dinirinig niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa kaniya.

16 Maaaring may makakita sa kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi ikamamatay. Humiling siya sa Diyos para sa kaniya at magbibigay ng buhay ang Diyos sa kaniya. Ito ay para sa mga nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay. Hindi ko sinasabing idalangin niya ito. 17 Ang lahat ng kalikuan ay kasalanan. Ngunit may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinuman na ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala.Siya na ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay nag-iingatsa kaniyang sarili at hindi siya maaagaw ng masama. 19 Nalalaman natin na tayo ay sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kamay ng masama. 20 Alam nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

21 Munting mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan. Siya nawa!

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International