Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Timoteo 6:6-19

Ngunit ang pagsamba sa Diyos na may kasiyahan ay malaking pakinabang. Ito ay sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan. Maliwanag na wala tayong madadalang anuman mula rito. Kung tayo ay may pagkain at pananamit, masiyahan na tayo sa mga ito. Ngunit ang mga naghahangad na maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa isang silo. Sila ay nahuhulog sa mga mangmang na hangarin na makaka­pinsala sa kanila, at nagtutulak sa mga tao na malunod sa pagkawasak at pagkapahamak. 10 Ito ay sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang ugat sa lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang tao na nagpupumilit na makamtan ito ay naligaw palayo sa pananam­palataya. Maraming pagdadalamhati ang lumalagos sa kanilang mga sarili.

Ang Tagubilin ni Pablo kay Timoteo

11 Ngunit ikaw, o tao ng Diyos, lumayo ka sa mga bagay na ito at sikapin mong maabot ang mga bagay na may katuwiran, pagiging maka-Diyos, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan.

12 Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya. Manangan ka sa buhay na walang hanggan na kung saan ay tinawag ka ng Diyos para rito at isinalaysay mo sa mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi. 13 Inuutusan kita sa harapan ng Diyos na nagbibigay buhay sa lahat ng bagay at sa harapan ni Cristo Jesus na sumaksing isang magandang paliwanag sa harap ni Poncio Pilato. 14 Hanggang ang ating Panginoong Jesucristo ay dumating, tuparin mo ang utos na ito nang walang dungis at walang maipupula sa iyo. 15 Siya ay mahahayag sa takdang panahon. Siya lamang ang pinagpala at makapangyarihan, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang hindi maaaring mamatay, naninirahan sa liwanag na hindi malala­pitan ng sinuman, walang sinumang nakakita sa kaniyani makakakita sa kaniya. Sumasakaniya ang karangalan at kapang­yarihang walang hanggan. Siya nawa.

Mga Panghuling Salita

17 Utusan mo ang mayayaman sa kapanahunang ito na huwag silang maging mapagmataas. Hindi nila dapat ilagak ang kanilang pag-asa sa kayamanang walang katiyakan. Sa halip, dapat nilang ilagak ang kanilang pag-asa sa buhay na Diyos na marangyang ipinagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay upang tayo ay masiyahan.

18 Utusan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, maging mapagbigay sila at handang magbahagi sa iba. 19 Dapat silang maglaanng isang mabuting saligan para sa kanilang sarili para sa hinaharap upang sila ay makapanangan sa buhay na walang hanggan.

Lucas 16:19-31

Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro

19 May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw.

20 Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. 21 Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis.

22 Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. 23 Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. 24 Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.

25 Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. 26 Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.

27 Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. 28 Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.

29 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.

30 Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.

31 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International