Revised Common Lectionary (Complementary)
34 Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdalang kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito upang magdalang kapayapaan kundi ng tabak. 35 Naparito ako upang paghimagsikin
ang isang tao laban sa kaniyang ama. Papaghimagsikin ko ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.
36 Ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sariling kasambahay.
37 Ang umiibig sa kaniyang ama o ina ng higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang sinumamg umiibig sa kaniyang anak na lalaki, o anak na babae nang higit sa akinay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang sinumang makakasumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ang sinumang mawawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpung nito.
40 Siya na tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Siya na tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng isang propeta ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa propeta. Siya na tumatanggap sa isang taong matuwid ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa taong matuwid. 42 Ang sinumang magbigay ng maiinom sa isa sa mga maliliit na ito kahit isang basong malamig na tubig dahil sa pangalan ng isang alagad, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Hindi siya mawawalan ng gantimpala.
Copyright © 1998 by Bibles International