Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang Talinghaga sa Malaking Piging
15 Ang mga bagay na ito ay narinig ng isa sa mga kasama niyang nakadulog sa hapag. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala siya na kakain ngtinapay sa paghahari ng Diyos.
16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Isang lalaki ang naghanda ng malaking hapunan at nag-anyaya ng marami. 17 Sa oras ng hapunan ay sinugo niyaang kaniyang alipin upang magsabi sa mga inanyayahan: Halina kayo, nakahanda na ang lahat.
18 Ang lahat, sa iisang paraan, ay nagsimulang magdahilan. Ang una ay nagsabi sa kaniya: Bumili ako ng isang bukid. Kailangan ko itong puntahan at tingnan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.
19 Ang isa ay nagsabi: Bumili ako ng limang tambal na baka. Pupuntahan ko ito upang masubukan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.
20 Ang isa ay nagsabi: Bagong kasal ako. Dahil dito, hindi ako makakapunta.
21 Sa pagdating ng aliping iyon, iniulat niya sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Sa galit ng may-ari ng sambahayan, nagsabi siya sa kaniyang alipin: Pumunta ka agad sa mga lansangan at mga makikipot na daan ng lungsod. Dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga lumpo at mga bulag.
22 Sinabi ng alipin: Panginoon, nagawa na ang ayon sa iniutos mo at mayroon pang lugar.
23 Sinabi ng panginoon sa alipin: Pumunta ka sa mga daan at sa mga tabing bakod. Pilitin mong pumasok ang mga tao upang mapuno ang aking bahay. 24 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa inyo: Ang alinman sa mga inanyayahang lalaki ay hindi makakatikim ng hapunan.
Copyright © 1998 by Bibles International