Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Juan 4:1-6

Subukin ang mga Espiritu

Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat espiritu, sa halip, subukin muna ninyo ang mga espiritu kung sila ay mula sa Diyos sapagkat maraming bulaang propeta ang naririto na sa sanlibutan.

Sa ganitong paraan ninyo malalaman ang Espiritu ng Diyos: Ang bawat espiritung kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay mula sa Diyos. Ang bawat espiritung hindi kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay hindi mula sa Diyos. Ito ang espiritu ng anticristo na narinig ninyong darating at narito na nga sila ngayon sa sanlibutan.

Munting mga anak, kayo ay mula sa Diyos at sila ay napagtagumpayan ninyo sapagkat higit siyang dakila na nasa inyo kaysa sa kaniya na nasa sanlibutan. Sila ay mula sa sanlibutan, kaya nga, sila ay nagsasalita kung papaano ang sanlibutan ay nagsasalita at pinakikinggan sila ng sanlibutan. Tayo ay mula sa Diyos. Ang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Ang hindi mula sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa ganitong paraan ay makikilala natin ang espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International