Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Hebreo 11:29-12:2

29 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay natawid nila ang Pulang dagat tulad sa pagtawid sa tuyong lupa. Nang subukin ito ng mga taga-Egipto, nalunod sila.

30 Sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, ang mga pader ng lungsod ng Jerico ay bumagsak pagkatapos nilang mapaikutan ang lungsod sa loob ng pitong araw.

31 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Rahab na isang patutot ay hindi napahamak na kasama ng mga masuwayin dahil tinanggap niya ang mga tiktik na may kapayapaan.

32 Ano pa ang aking masasabi? Sapagkat kukulangin ako ng panahon upang sabihin pa sa inyo ang patungkol kay Gideon, Barak, Samson, Jefta, o ang patungkol kay David at Samuel at mga propeta. 33 Sa pamamagitan ng pananam­palataya ay nalupig nila ang mga kaharian, gumawa ng katuwiran, tumanggap sila ng mga pangako at nagpatigil ng mga bibig ng leon. 34 Pinatay nila ang kapangyarihan ng apoy at nakatakas sila sa talim ng tabak. Bagaman sila ay mahihina, tumanggap sila ng kalakasan. Naging malakas sila sa digmaan at dinaig nila ang mga dayuhang hukbo. 35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay na muling binuhay. Ang iba ay pinahirapan dahil tumanggi silang palayain, upang makamtan nila ang higit na mabuting muling pagkabuhay. 36 Ang iba ay tumanggap ng pagsubok, ng pangungutya, ng mga paghagupit at oo, ang iba ay iginapos nila at ibinilanggo. 37 Ang iba naman ay binato, nilagaring pahati, tinukso at pinatay sa pamamagitan ng tabak. Gumala sila, na ang suot ay balat ng tupa at mga balat ng kambing, na naghihirap, pinag-usig at pinagmalupitan. 38 Ang sanlibutang ito ay hindi nararapat para sa kanila. Sila ay nagpagala-gala sa mga ilang at mga bundok, sa mga kuweba at sa mga lungga ng lupa.

39 Ang lahat ng mga ito, na nagkaroon ng mabuting patotoo sa pamamagitan ng pananampalataya, ay hindi nakatanggap sa mga bagay na ipinangako. 40 Sapagkat noon pa mang una ay naglaan na ng higit na mabuting bagay ang Diyos para sa atin, sapagkat sila ay hindi magiging-ganap na hindi tayo kasama.

Tinutuwid ng Diyos ang Kaniyang mga Anak

12 Kaya nga, tayo rin naman ay napapalibutan ng gayong makapal na ulap ng mga saksi. Ating isaisangtabi ang bawat bagay na humahadlang sa atin at ang kasalanang napakadaling bumalot sa atin. Takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilaan sa atin.

Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umuposa kanang kamay ng trono ng Diyos.

Lucas 12:49-56

Hindi Kapayapaan Kundi Pagkakahati-hati

49 Ako ay narito upang maghagis ng apoy sa lupa. Ano pa angnanaisin ko kapag ito ay nagniningas na?

50 Ako ay may bawtismo na ibabawtismo sa akin, at ako vay nababagabag hanggang sa ito ay maganap. 51 Sa palagay ba ninyo ay naparito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa. Sinasabi ko sa inyo: Hindi. Ako ay narito upang maghati. 52 Ito ay sapagkat simula ngayon, ang lima na nasa isang sambahayan ay magkakabaha-bahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Ang ama ay magiging laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama. Ang ina ay magiging laban sa anak na babae at ang anak na babae laban sa ina. Ang biyenang babae ay magiging laban sa kaniyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.

Pagbibigay-kahulugan sa Kapanahunan

54 Sinabi rin niya sa karamihan: Kapag nakita ninyo ang ulap na tumataas mula sa kanluran, agad ninyong sinasabi: Uulan. At ito ay nangyayari.

55 Kapag umihip ang hanging timugan, sinasabi ninyong, iinit, at ito ay nangyayari. 56 Mga mapagpaimbabaw! Alam ninyong kilalanin ang anyo ng langit at ng lupa. Bakit hindi ninyo alam kilalanin ang panahong ito?

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International