Revised Common Lectionary (Complementary)
41 Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, kanino mo sinasabi ang talinghagang ito? Sinasabi mo ba ito sa amin o para din sa lahat?
42 Sinabi ng Panginoon: Sino nga ang matapat at matalinong katiwala na pamamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan? Siya ay pamamahalain upang magbigay ng bahagi ng pagkain sa kapanahunan. 43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masusumpungan siyang gumagawa ng gayon. 44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Gagawin niya siyang tagapamahala sa lahat ng kaniyang pag-aari. 45 Ngunit kapag sinabi ng aliping iyon sa kaniyang puso, maaantala ang pagdating ng aking panginoon. At sisimulan niyang paluin ang mga lingkod na lalaki at ang mga lingkod na babae. Magsisimula siyang kumain at uminom at magpakalasing. 46 Ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Siya ay hahatiin at itatalaga ang isang lugar para sa kaniya, kasama ang mga hindi mananampalataya.
47 Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naghanda o gumawa ng ayon sa kalooban ng kaniyang panginoon ay hahagupitin ng marami. 48 Siya na hindi nakakaalam at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat pagdusahan sa pamamagitan ng hagupit ay hahagupitin ng kaunti. Sa bawat isang binigyan ng marami, marami ang hahanapin sa kaniya. Sa kaniyana pinagkatiwalaan ng marami, lalong higit ang hihingin sa kaniya.
Copyright © 1998 by Bibles International