Revised Common Lectionary (Complementary)
Tuntunin Para sa Matuwid na Pamumuhay
3 Yamang kayo nga ay muling binuhay na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan si Cristo ay nakaupo sakanan ng Diyos.
2 Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasaitaas at hindi sa mga bagay na nasa lupa. 3 Ito ay sapagkat namatay nakayo at ang buhay ninyo ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos. 4 Kapag si Cristo na ating buhay ay mahahayag, kasama rin naman niya kayong mahahayag sa kaluwalhatian.
5 Patayin nga ninyo ang inyong mga bahagi na maka-lupa. Ito ay ang pakikiapid, karumihan, pita ng laman, masasamang nasa at kasakiman na siyang pagsamba sa diyos-diyosan. 6 Dahil sa mga bagay na ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. 7 Ang mga ito ay inyo rin namang nilakaran noong una nang kayo ay namumuhay pa sa gani-tong mga bagay. 8 Ngunit ngayon ay hubarin na ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, masamang hangarin, pamumusong, malalaswang salita na mula sa inyong bibig. 9 Huwag na kayong magsinungaling sa isa’t isa, yamang hinubad na ninyo nang lubusan ang dating pagkatao kasama ang mga masasamang gawa nito. 10 Isuot naman ninyo ang bagong pagkatao na binago patungo sa kaalaman ayon sa wangis ng lumalang sa kaniya. 11 Doon ay wala ng pagkakaiba ang mga Griyego o mga Judio, ang mga nasa pagtutuli o wala sa pagtutuli, mga hindi Griyego, mga Scita, mga alipin o malaya. Si Cristo ang lahat at nasa lahat.
Ang Talinghaga Patungkol sa Mayamang Hangal
13 May isang nagsabi mula sa karamihan: Guro, sabihin mo sa aking kapatid na lalaki na hatian ako sa mana.
14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin na maging tagahatol o tagahati sa inyo? 15 Sinabi niya sa kanila: Tingnan at ingatan ninyo ang inyong mga sarili mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakapaloob sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik.
16 Nagsabi siya ng isang talinghaga sa kanila na sinasabi: Ang bukirin ng isang mayamang lalaki ay nagbunga ng sagana. 17 Nag-isip siya sa kaniyang sarili. Sinabi niya: Ano ang aking gagawin? Wala akong pag-iimbakan ng aking ani.
18 Sinabi niya: Ganito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking kamalig at magtatayo ng higit na malaki. Doon ko iiimbak ang lahat ng aking ani at aking mga mabuting bagay. 19 Sasabihin ko sa aking kaluluwa: Kaluluwa, marami ka nang natipong pag-aari para sa mga darating na taon. Magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, at magsaya ka.
20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya: Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong kaluluwa. At kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?
21 Ganito ang mangyayari sa kaniya na nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili. Hindi siya mayaman sa harap ng Diyos.
Copyright © 1998 by Bibles International