Revised Common Lectionary (Complementary)
27 Sa kanila ay ipinasya ng Diyos na ipakilala ang kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na sumasainyo, ang pag-asa sa kaluwalhatian.
28 Siya ang aming ipinahahayag. Binibigyan namin ng babalaat tinuturuan ang bawat tao ng lahat ng karunungan, upang maiharap naming sakdal ang bawat tao kay Cristo Jesus. 29 Dahil dito, nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa kaniyang paggawa na gumagawang may kapangyarihan sa akin.
2 Sapagkat ibig kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang aking pakikipagbaka para sa inyo, at sa mga taga-Laodicea, at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin ng mukhaan. 2 Ito ay upang mapalakas ang kanilang mga loob na magkaisa sila sa pag-ibig. At upang magkaroon sila ng lahat ng kayamanan ng lubos na katiyakan ng pang-unawa sa pagkaalam ng hiwaga ng Diyos, at ng Ama at ni Cristo. 3 Sa kaniya natatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman. 4 Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong madaya ng sinuman ng mga salitang kaakit-akit. 5 Ito ay sapagkat kahit ako ay wala riyan sa aking laman, naririyan naman ako sa inyo sa aking espiritu, na nagagalak at nakakakita ng inyong kaayusan at ng katatagan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
Kalayaan Mula sa Tuntunin ng Tao sa Pamamagitan ng Buhay kay Cristo
6 Kaya nga, sa paraang tinanggap ninyo si Cristo bilang Panginoon, mamuhay naman kayong gayon sa kaniya.
7 Kayo ay nag-ugat ng malalim, at natayo sa kaniya na matatag na nagtutumibay sa pananampalatayang itinuro sa inyo at umaapaw dito na may pasasalamat.
Copyright © 1998 by Bibles International