Revised Common Lectionary (Complementary)
16 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. 18 Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. 19 Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20 Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.
Copyright © 1998 by Bibles International