Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Galacia 6:1-6

Paggawa ng Mabuti sa Lahat ng Tao

Mga kapatid, kapag natagpuan ang isang tao sa pagsalangsang, kayong mga taong sumusunod sa Espiritu ang magpanumbalik sa kaniya sa espiritu ng kaamuan. Ngunit mag-ingat kayo sa inyong sarili na baka kayo naman ay matukso.

Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa’t isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. Ito ay sapagkat kapag iniisip ng sinuman na siya ay maha­laga, na hindi naman siya mahalaga, dinadaya niya ang kaniyang sarili. Ngunit suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga gawa. Kung magkagayon, makakapagmapuri siya sa kaniyang sarili lamang at hindi sa iba. Ito ay sapagkat ang bawat isa ay dapat magbata ng bahagi na dapat niyang pasanin.

Ang mga tinuturuan sa salita ay dapat magbahagi ng mabubuting bagay sa mga nagtuturo.

Galacia 6:7-16

Huwag ninyong hayaang kayo ay mailigaw. Hindi mo maaaring libakin ang Diyos sapagkat anuman ang inihasik ng isang tao, iyon din ang kaniyang aanihin. Ang naghahasik sa kaniyang laman ay mag-aani ng kabulukang mula sa laman. Ngunit ang naghahasik sa Espiritu ay mag-aani ng buhay ng walang hanggan. Ngunit kung tayo ay gumagawa ng mabuti, hindi tayo dapat na panghinaan ng loob. Ito ay sapagkat tayo ay aani kung hindi tayo manlulupaypay sa pagdating ng takdang panahon. 10 Kaya nga, habang tayo ay may pagkakataon pa, gumawa tayo nang mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.

Hindi sa Pagtutuli Kundi ang Bagong Nilalang ng Diyos

11 Tingnan ninyo, kung gaano kalaki ang mga titik na isinulat ko sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

12 Ang mga pumipilit sa inyo na kayo ay maging nasa pagtutuli ay sila na ang ibig lamang ay maging maganda sapanlabas na anyo. Ipinipilit nila ito upang huwag silang usigin ng mga tao dahil sa krus ni Cristo. 13 Ito ay sapagkat kahit na ang mga lalaking iyon ay nasa pagtutuli, sila ayhindi tumutupad sa kautusan. Subalit upang may maipagmapuri sila sa inyong katawan, ibig nila na kayo ay maging nasa pagtutuli. 14 Sa ganang akin, huwag nawang mangyari na ako ay magmapuri maliban lamang patungkol sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya, ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay napako sa krus sa sanlibutan. 15 Ito ay sapagkat walang halaga kay Cristo ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli, kundi ng pagiging bagong nilalang lamang. 16 Kapayapaan at kahabagan ang sumakanilang lahat na lumalakad ayon sa tuntuning ito, maging sa Israel ng Diyos.

Lucas 10:1-11

Isinugo ni Jesus ang Pitumpu

10 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang din ng pitumpung iba pa. Sinugo niya sila ng dala-dalawa sa kaniyang unahan. Sinugo niya sila sa bawat lungsod at dako na kaniyang pupuntahan.

Sinabi nga niya sa kanila: Ang aanihin ay totoong marami ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Ipamanhik nga ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang mga aanihin. Humayo kayo. Narito, sinusugo ko kayo tulad ng mga batang tupa sa kalagitnaan ng mga lobo. Huwag kayong magdala ng kalupi o bayong o panyapak. Huwag kayong bumati kaninuman sa daan.

Sa alinmang bahay na inyong papasukan, sabihin muna ninyo: Kapayapaan ang mapasabahay na ito. Kapag ang anak ng kapayapaan ay naroroon, ang inyong kapayapaan ay mananatili roon. Ngunit kung wala siya roon, ito ay babalik sa inyo. Sa bahay ding iyon kayo manatili. Kainin at inumin ninyo ang anumang ibigay nila sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang upa. Huwag kayong magpalipat-lipat sa mga bahay-bahay.

Sa anumang lungsod na inyong papasukin at tinatanggap kayo, kainin ninyo ang mga bagay na inihain sa inyo. Pagalingin ninyo ang mga may sakit na naroroon. Sabihin ninyo sa kanila: Ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo. 10 Sa alinmang lungsod na inyong papasukin at hindi kayo tinatanggap, lumabas kayo sa mga daan nito. 11 Sabihin ninyo: Maging ang mga alikabok na nakakapit sa amin mula sa inyong lungsod ayaming ipinapagpag laban sa inyo. Gayunman, alamin mo ito, ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa iyo.

Lucas 10:16-20

16 Siya na dumirinig sa inyo ay dumirinig sa akin. Siya na tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin. Siya na tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.

17 Pagkatapos nito, ang pitumpu ay bumalik na may kagalakan. Kanilang sinasabi: Panginoon, maging ang mga demonyo ay sumusunod sa amin sa pamamagitan ng iyong pangalan.

18 Sinabi ni Jesus sa kanila: Nakita ko si Satanas na nahulog mula sa langit na parang kidlat. 19 Narito, ibinibigay ko sa inyo ang kapamahalaan upang tapakan ang mga ahas at mga alakdan at lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Kailanman ay hindi kayo masasaktan ng sinuman. 20 Gayunman, huwag ninyong ikagalak ang mga ito, na ang mga espiritu ay nagpapasakop sa inyo. Ngunit ikagalak nga ninyo na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International