Revised Common Lectionary (Complementary)
6 Huwag ninyong hayaang dayain kayo ng sinuman sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita sapagkat sa mga bagay na ito ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. 7 Huwag nga kayong maging kabahaging kasama nila.
8 Ito ay sapagkat dati kayong mga nasa kadiliman ngunit ngayon ay kaliwanagan sa Panginoon. Mamuhay kayo bilang mga anak ng liwanag. 9 Ito ay sapagkat ang bunga ng Espiritu ay pawang kabutihan at katuwiran at katotohanan. 10 Patunayan ninyo kung ano ang lubos na nakakalugod sa Panginoon. 11 At huwag kayong magkaroon ng pakikipag-isa sa mga gawa ng kadiliman na hindi nagbubunga, sa halip ay inyong sawayin ang mga ito. 12 Ito ay sapagkat nakakahiyang banggitin ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim. 13 Ngunit nalalantad ang lahat ng mga bagay na sinasaway ng liwanag sapagkat ang liwanag ang naglalantad ng lahat ng mga bagay. 14 Dahil dito, sinabi niya:
Gumising kayo na natutulog at bumangon mula sa mga patay. At sa inyo si Cristo ay magliliwanag.
15 Magsikap kayong mamuhay nang may buong pag-iingat, hindi tulad nghangal kundi tulad ng mga pantas. 16 Samantalahin ninyo ang panahon dahil ang mga araw ay masama. 17 Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu. 19 Mag-usap kayo sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit. Umawit at magpuri kayo sa Panginoon sa inyong puso. 20 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayong lagi sa Diyos at Amasa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
Copyright © 1998 by Bibles International