Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Galacia 5:1

Kalayaan kay Cristo

Tayo ay pinalaya ni Cristo. Magpakatatag kayo sa kalayaang ito at huwag na ninyong hayaang ang sinuman na dalhin kayong muli sa pamatok ng pagkaalipin.

Galacia 5:13-25

13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa. 14 Ito ay sapagkat sa isang salita ay natupad ang buong kasulatan:

Ibigin mo ang iyong kapwagaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

15 Ngunit kung kayo ay magkakagatan at magsasakmalan sa isa’t isa, mag-ingat kayo, na hindi ninyo maubos ang isa’t isa.

Ang Buhay sa Pamamagitan ng Espiritu

16 Ngunit sinasabi ko: Mamuhay kayo ayon sa Espirituupang hindi ninyo tuparin ang mga nasa ng laman.

17 Ito ay sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa Espiritu at ang ninanasa ng Espiritu ay laban sa laman. Sila ay magkasalungat sa isa’t isa. Ito ay upang hindi mo gawin ang mga bagay na ibig mong gawin. 18 Ngunit yamang kayo ay pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.

19 Ngayon ang mga gawa ng laman ay nahahayag. Ang mga ito ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kahalayan. 20 Mga pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, pag-aalitan, paglalaban-laban, paninibugho, pag-uumapaw sa poot, pagka­makasarili, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi. 21 Mga pagkainggit, pagpatay, paglalasing, magulong pagtitipon at mga bagay na tulad ng mga ito. Ito ay ipina-paunang sabi ko sa inyo katulad ng sinabi ko sa inyo noong una. Ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.

22 Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan,kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananam­palataya, 23 kaamuan, pagpipigil sa sarili. Walang kautusan laban sa mga bagay na ito. 24 Ngunit naipako na sa krus ng mga na kay Cristo ang laman kasama ang mga masasamang pita at mga pagnanasa nito. 25 Yamang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, nararapat lamang na tayo ay lumakad ng ayon sa Espiritu.

Lucas 9:51-62

Tinanggihan ng Taga-Samaria si Jesus

51 Dumating ang panahon na si Jesus ay malapit nang umakyat sa langit. Nangyari nga na kaniyang itinuon ang kaniyang mukha upang makapunta sa Jerusalem.

52 Pinapunta niya ng mga sugo na mauna sa kaniya. Sa kanilang pagpunta, pumasok sila sa isang nayon ng mga taga-Samaria upang siya ay ipaghanda ng matu­tuluyan. 53 Hindi nila siya tinanggap dahil ang kaniyang mukha ay nakatuon na siya ay makapunta sa Jerusalem. 54 Nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sila ay nangusap kay Jesus. Sinabi nila: Panginoon, nais mo bang gawin din namin ang ginawa ni Elias na mag-utos kami na ang apoy ay bumaba mula sa langit at tupukin sila? 55 Ngunit lumingon siya at sila ay kaniyang sinaway. Sinabi niya: Hindi ninyo alam kung sa anong espiritu kayo. 56 Ito ay sapagkat ako na Anak ng Tao ay hindi naparito upang magwasak ng buhay ng mga tao kundi upang magligtas. At sila ay pumunta sa ibang nayon.

Ang Halaga ng Pagsunod kay Jesus

57 Nangyari, sa kanilang paglalakbay, na may isang nagsabi sa kaniya: Panginoon, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.

58 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang mga soro ay may mga lungga. Ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad. Ngunit ang Anak ng Tao ay walang mahimlayan ng kaniyang ulo.

59 Sinabi niya sa isa pa: Sumunod ka sa akin.

Sinabi niya: Panginoon, pahintulutan mo muna akong umalis upang ilibing ang aking ama.

60 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hayaan ninyong ang mga patay ay maglibing sa kanilang sariling mga patay. Humayo ka at ipangaral ang paghahari ng Diyos.

61 Sinabi rin ng isa: Panginoon, susunod ako sa iyo. Pahintulutan mo muna akong magpaalam sa aking mga kasambahay.

62 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Walang sinumang humawak sa araro at tumitingin sa mga bagay sa likuran ang karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International