Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 13:5-10

Suriin ninyo ang inyong sarili kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil? Inaasahan ko na malalaman ninyo na tayo ay mga hindi itinakwil. Idinadalangin ko sa Diyos na huwag kayong gumawa ng anumang masama. Ito ay hindi upang kami ay maging karapat-dapat, subalit magawa ninyo ang tama kahit na kami ay tulad ng mga itinakwil. Ito ay sapagkat wala kaming kapang­yarihan laban sa katotohanan kundipara sa katotohanan. Ito ay sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Hinahangad din namin ang inyong pagiging-ganap. 10 Sumusulat ako sa inyo ngayon upang sa aking pagdating ay hindi ako maging marahas sa inyo ayon sa kapamahalaan na ibinigay ng Panginoon sa akin para sa inyong ikatitibay at hindi sa inyong ikawawasak.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International