Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Galacia 1:1-12

Akong si Pablo ay isang apostol, hindi nagmula sa tao, ni sa pamamagitan ng tao. Ako ay apostol sa pamamagitan ni Jesucristo at sa pamamagitan ng Diyos Ama na nagbangon sa kaniya mula sa mga patay. Kasama ang lahat ng mga kapatid na naririto, sumusulat ako sa mga iglesiya sa Galacia.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ang nagbigay ng kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang iligtas tayo mula sa kasalukuyang kapanahunan na masama, ayon sa kalooban ng Diyos at ating Ama. Suma­kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.

Walang Ibang Ebanghelyo

Ako ay namamangha sa kaparaanan kung bakit napakadali ninyong lumayo mula sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo.

Hindi ito talagang kakaibang ebangheyo maliban na may ilangmga tao na gumugulo sa inyo. Ibig nilang palitan ang ebanghelyo ni Cristo. Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos. Gaya ng nasabi na namin noong una pa, sasabihin ko ulit ngayon: Kung ang sinuman ay nangangaral nang salungat sa ebanghelyo na inyong natanggap, sumpain nawa siya ng Diyos.

10 Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? Ako ba ay naghahangad upang magbigay-lugod sa mga tao? Ito ay sapagkat kung sa mga tao pa ako nagbibigay-lugod, hindi na ako dapat maging alipin ni Cristo.

 

Tinawag ng Diyos si Pablo

11 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo, na ang ebanghelyo na ipinangaral ko ay hindi nagmula sa tao.

12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.

Lucas 7:1-10

Ang Kapitan ay Nanampalataya

Nang matapos na siya sa lahat ng kaniyang pagsasalita sa mga taong nakikinig, pumasok siya sa Capernaum.

Mayroong isang Kapitan na may alipin na kaniyang pinahahalagahan. Ang aliping ito ay may sakit at malapit nang mamatay. Nang marinig ng kapitan ang patungkol kay Jesus, isinugo niya ang mga matanda ng mga Judio. Ito ay upang hilingin kay Jesus na pumunta at pagalingin ang kaniyang alipin. Pagpunta nila kay Jesus, masikap silang namanhik sa kaniya. Sinabi nila: Siya na gagawan mo nito ay karapat-dapat. Ito ay sapagkat iniibig niya ang ating bansa at itinayo niya ang sinagoga para sa amin. Si Jesus ay sumama sa kanila.

Nang sila ay malapit na sa bahay, ang kapitan ay nagsugo ng mga kaibigan sa kaniya. Ipinasabi niya kay Jesus: Panginoon, huwag ka nang mag-abala sapagkat ako ay hindi karapat-dapat upang puntahan mo sa aking bahay.

Kaya nga, hindi ko rin itinuring na ako ay karapat-dapat pumunta sa iyo. Gayunman, magsalita ka lang at ang aking lingkod ay gagaling. Ito ay sapagkat ako rin ay isang lalaking itinalaga sa ilalim ng kapamahalaan. Mayroon akong nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa: Humayo ka.At siya ay humahayo. Sa isa ay sinasabi ko: Pumarito ka. At siya ay pumaparito. Sa aking alipin ay sinasabi ko: Gawin mo ito. At ginagawa niya ito.

Nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, siya ay namangha sa kaniya. Humarap siya sa maraming mga taong sumusunod sa kaniya. Sinabi niya: Sinasabi ko sa inyo, ni sa mga taga-Israel ay hindi ako nakakita ng ganitong kalaking pananam­palataya. 10 Nang bumalik sa bahay ang mga isinugo, nasum­pungan nilang nasa mabuti nang kalusugan ang aliping may sakit.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International