Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 11:1-6

Si Pablo at ang mga Hindi Tunay na mga Apostol

11 Pagtiisan ninyo ako nang kaunti sa aking kamang­mangan. Subalit nagtitiis na nga kayong tunay sa akin.

Ito ay sapagkat ako ay naninibugho sa inyo nang panini­bughong mula sa Diyos dahil ipinagkatipan ko kayo sa isang lalaki upang maiharap ko kayo kay Cristo na isang dalisay na birhen. Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibangespiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. Inaakala kong hindi ako huli sa anumang bagay sa kanila na nakakahigit namga apostol. Kung ang aking pananalita ay para bang sa walang pinag-aralan, subalit sa kaalaman ay hindi. Ngunit sa bawat paraan, sa lahat ng bagay ay malinaw kaming nahahayag sa inyo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International