Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 9:36-43

36 At sa Jope ay may isang alagad na nagngangalang Tabita. Ang kahulugan ng Tabita ay Dorcas.[a] Siya ay lipos ng mabubuting gawa at gawaing pamamahagi sa mga kahabag-habag. 37 Nangyari nang mga araw na iyon na nagkasakit siya at namatay. Nang siya ay mahugasan nila, inilagay nila siya sa isang silid sa itaas. 38 Ang Lida ay malapit sa Jope. Kaya nang mabalitaan ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, nagsugo ng dalawang tao sa kaniya. Ipinamanhik nila sa kaniya na huwag niyang patagalin ang pagpunta sa kanila.

39 Tumindig si Pedro at sumama sa kanila. Pagdating niya, siya ay dinala nila sa silid sa itaas. Ang mga babaeng balo ay nakatayo malapit kay Pedro. Sila ay tumatangis. Ipinakita nila sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas. Ginawa niya ito nang siya ay kasama pa nila.

40 Ngunit pinalabas silang lahat ni Pedro. Lumuhod siya at nanalangin. Pagharap niya sa katawan, sinabi niya: Tabita, bumangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata. Nang makita niya si Pedro, umupo siya. 41 Hinawakan ni Pedro ang kaniyang mga kamay at siya ay itinindig. Tinawag niya ang mga banal at ang mga babaeng balo. Siya ay iniharap niyang buhay sa kanila. 42 Ito ay nalaman sa buong Jope at marami ang sumampalataya sa Panginoon. 43 At siya ay nanahan sa Jope ng maraming araw. Kasama siya ni Simon na mangungulti ng balat ng hayop.

Pahayag 7:9-17

Ang Maraming Taong Nakasuot ng Puting Damit

Pagkatapos kong makita ang mga bagay na ito, narito,ang napakaraming taong naroroon na walang sinumang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi at bawat wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero. Sila ay nakasuot ng maputing damit at may hawak na mga palaspas.

10 Sila ay sumisigaw ng isang malakas na tinig. Sinabi nila:

Ang kaligtasan ay sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero.

11 At ang lahat ng anghel at mga matanda at ang apat na kinapal na buhay ay nakatayo sa palibot ng trono. Sila ay nagpatirapa sa harap ng trono at sinamba ang Diyos. 12 Sinabi nila:

Siya nawa. Pagpapala at kaluwalhatian at karunungan at pasasalamat at karangalan at kapangyarihan at kalakasan sa ating Diyos magpakailan pa man. Siya nawa.

13 At isa sa mga matanda ang sumagot. Sinabi niya sa akin: Sino ang mga taong ito na nakasuot ng mapuputing damit? Saan sila nanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya: Ginoo, nalalaman mo iyan.

Sinabi niya sa akin: Sila ang mga nanggaling sa dakilang paghihirap. Hinugasan nila ang kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito ng dugo ng kordero.

15 Dahil dito:

Sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos. Pinaglilingkuran nila siya araw at gabi sa kaniyang banal na dako. Ang nakaupo sa trono ay mananahang kasama nila.

16 Kailan­man ay hindi na sila magugutom at kailanman ay hindi na sila mauuhaw. Hindi na sila maiinitan ng sikat ng araw ni wala ng matinding init ang tatama sa kanila. 17 Ito ay sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang siyang mangangalaga sa kanila. Aakayin niya sila sa buhay na bukal ng tubig. At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.

Juan 10:22-30

Hindi Sumampalataya ang mga Judio

22 Naganap sa Jerusalem ang kapistahan ng pagtatalaga. Noon ay taglamig.

23 Si Jesus ay naglalakad sa templo sa portiko ni Solomon. 24 Pinalibutan nga siya ng mga Judio. Sinabi nila sa kaniya: Hanggang kailan mo paghihintayin ang aming kaluluwa? Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin nang tuwiran.

25 Sumagot si Jesus sa kanila: Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo sa akin. 26 Hindi kayo sumasampalataya sapagkathindi kayo kabilang sa aking mga tupa gaya ng sinabi ko sa inyo. 27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig. Kilala ko sila at sumusunodsila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Hindi sila malilipol magpakailanman. Walang sinu­mang makakaagaw sa kanila sa aking kamay. 29 Ibinigay sila sa akin ng aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International