Revised Common Lectionary (Complementary)
4 Mga kaibigan ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan. Pagkatapos nilang pumatay wala na silang magagawang anumang bagay. 5 Ipakikita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. 6 Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo at isa man sa kanila ay hindi pinababayaan ng Diyos? 7 Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay bilang nang lahat. Huwag nga kayong matakot, kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya.
8 Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag din naman ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 Ngunit siya na magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 Ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin. Ngunit siya na mamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin.
11 Kapag dinala nila kayo sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung papaano, o kung ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Ito ay sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon ang kinakailangan ninyong sabihin.
Copyright © 1998 by Bibles International