Revised Common Lectionary (Complementary)
23 Ngunit ang Diyos ang tinatawag kong saksi sa aking kaluluwa na kaya hindi ako pumunta sa Corinto ay upang iligtas kayo. 24 Hindi namin hinahangad na mamuno sa inyong pananampalataya. Sa halip kami ay kapwa ninyo kamanggagawa para sa inyong kagalakan. Ito ay upang kayo ay maging matatag sa inyong pananampalataya.
2 Ito ang pasiya ko sa aking sarili na hindi ako pupunta sa inyo na namimighati. 2 Ito ay sapagkat kapag pipighatiin ko kayo, sino rin nga ang magpapasaya sa akin maliban siya na aking pinighati? 3 Ganito rin ang isinusulat ko sa inyo at baka sa pagdating ko ay mapighati ako nila na dapat ay magpagalak sa akin. May pagtitiwala ako sa inyong lahat na ang aking kagalakan ay ang kagalakan ninyong lahat. 4 Ito ay sapagkat sa maraming kapighatian at kahapisan ng puso, sumulat ako sa inyo na may maraming pagluha, hindi upang pighatiin kayo kundi upang malaman ninyo ang kasaganaan ng pag-ibig ko sa inyo.
Pagpapatawad para sa Nagkasala
5 Ngunit kung may nakapagdulot man ng pighati, hindi ako ang napighati, kundi ang bahagi lamang upang hindi ako makapagpabigat sa inyong lahat.
6 Sapat na sa nakagawa ng gayon ang maparusahan ng marami sa inyo sa ganitong paraan. 7 Sa kabila naman nito dapat ninyo siyang patawarin at aliwin at baka siya aymatigib ng lubhang kalungkutan. 8 Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo na bigyan ninyo siya ng katiyakan ng inyong pag-ibig. 9 Ito rin ang dahilan kung bakit ako sumulat sa inyo, upang makita ko ang katunayan kung kayo ay naging masunurin sa lahat ng mga bagay. 10 Ngunit ang sinumang pinatatawad ninyo sa anumang bagay, pinatatawad ko rin sapagkat kung pinatatawad ko ang anumang bagay, kanino ko man ito ipinatatawad ay pinatatawad ko alang-alang sa inyo sa katauhan ni Cristo. 11 Ito ay upang hindi makapagsamantala si Satanas dahil hindi lingid sa atin ang kaniyang mga layunin.
Copyright © 1998 by Bibles International