Old/New Testament
Ang Lahi ni Isacar
7 May apat na anak na lalaki si Isacar: sina Tola, Pua, Jashub at Shimron. 2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel.[a] Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.
3 Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. 4 Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang 36,000 lalaking handa sa paglilingkod sa militar. 5 Ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay 87,000, ayon sa talaan ng kanilang lahi.
Ang Lahi ni Benjamin
6 May tatlong anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Beker at Jediael. 7 Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi. 8 Ang mga anak na lalaki ni Beker ay sina Zemira, Joash, Eliezer, Elyoenai, Omri, Jeremot, Abijah, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Beker. 9 Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi. 10 Ang anak na lalaki ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak na lalaki ni Bilhan ay sina Jeush, Benjamin, Ehud, Kenaana, Zetan, Tarshish at Ahishahar. 11 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handa sa paglilingkod sa militar. 12 Ang mga anak na lalaki ni Ir ay sina Shupim at si Hupim,[b] at ang anak ni Aher ay si Hushim.
Ang Lahi ni Naftali
13 Ang mga anak na lalaki ni Naftali kay Bilha ay sina Jahziel,[c] Guni, Jezer at Shilem.[d] 14 May dalawang anak si Manase sa asawa niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Makir. Si Makir ang ama ni Gilead, 15 at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Shupim.[e] May kapatid na babae si Makir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Makir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae. 16 May mga anak ding lalaki si Makir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peresh at Sheresh. Ang mga anak na lalaki ni Peresh ay sina Ulam at Rakem. 17 Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Makir, at apo ni Manase. 18 Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hammoleket ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mala.
19 Ang mga anak na lalaki ni Shemida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
Ang Lahi ni Efraim
20 Ito ang lahi ni Efraim: si Shutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Eleada, si Eleada na ama ni Tahat, 21 si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Shutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elead ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop. 22 Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak para aliwin siya. 23 Nang bandang huli, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria,[f] dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya. 24 May anak na babae si Efraim na si Sheera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet Horon at ng Uzen Sheera. 25 At ang anak na lalaki ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Reshef, si Reshef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan, 26 si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elishama, 27 si Elishama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.
28 Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Aya at sa mga baryo nito. 29 Ang lahi ni Manase ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet Shan, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.[g]
Ang Lahi ni Asher
30 Ang mga anak na lalaki ni Asher ay sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria. Ang kapatid nilang babae ay si Sera. 31 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Heber at Malkiel. Si Malkiel ang ama ni Birzait. 32 Si Heber ang ama nina Jaflet, Shomer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Shua. 33 Ang mga anak na lalaki ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.
34 Ang mga anak na lalaki ni Shomer ay sina Ahi, Roga,[h] Hubba at Aram. 35 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Shomer na si Helem[i] ay sina Zofa, Imna, Sheles at Amal. 36 Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Shua, Harnefer, Shual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Shama, Shilsha, Itran,[j] at Beera. 38 Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39 Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40 Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handa sa paglilingkod sa militar ay 26,000 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
Ang Lahi ni Benjamin
8 Ito ang mga anak na lalaki ni Benjamin mula sa panganay hanggang sa pinakabata: Bela, Ashbel, Ahara, 2 Noha at Rafa. 3 Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,[k] 4 Abishua, Naaman, Ahoa, 5 Gera, Shefufan at Huram. 6 Ang mga angkan ni Ehud na pinuno ng kanilang mga pamilya ay pinaalis sa Geba at lumipat sa Manahat – 7 sila ay sina Naaman, Ahia, at Gera. Si Gera na ama nina Uza at Ahihud ang nanguna sa paglipat nila.
8 Hiniwalayan ni Shaharaim ang mga asawa niyang sina Hushim at Baara. Kinalaunan, tumira siya sa Moab, at nagkaanak siya 9 sa asawa niyang si Hodes. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Jobab, Zibia, Mesha, Malcam, 10 Jeuz, Sakia at Mirma. Naging pinuno sila ng kanilang mga pamilya. 11 May anak ding lalaki si Shaharaim sa asawa niyang si Hushim. Silaʼy sina Abitub at Elpaal. 12 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Shemed (na nagtatag ng mga bayan ng Ono at Lod, at ng mga baryo sa paligid nito), 13 at sina Beria at Shema. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Ayalon. Sila rin ang nagpaalis sa mga naninirahan sa Gat. 14-16 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Ahio, Shashak, Jeremot, Zebadia, Arad, Eder, Micael, Ishpa at Joha.
17-18 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Zebadia, Meshulam, Hizki, Heber, Ishmerai, Izlia at Jobab.
19-21 Ang mga anak na lalaki ni Shimei ay sina Jakim, Zicri, Zabdi, Elienai, Ziletai, Eliel, Adaya, Beraya at Shimrat.
22-25 Ang mga anak na lalaki ni Shashak ay sina Ispan, Eber, Eliel Abdon, Zicri, Hanan, Hanania, Elam, Antotia, Ifdeya at Penuel. 26-27 Ang mga anak na lalaki ni Jeroham ay sina Shamsherai, Sheharia, Atalia, Jaareshia, Elias at Zicri. 28 Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.
29 Si Jeyel[l] na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 30 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner,[m] Nadab, 31 Gedor, Ahio, Zeker,[n] 32 at Miklot na ama ni Shimea.[o] Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem. 33 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.[p] 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal[q] na ama ni Micas. 35 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Si Ahaz ang ama ni Jehoada,[r] at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 37 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa,[s] na ama ni Eleasa, na ama ni Azel. 38 Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan. 39 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Azel na si Eshek ay sina Ulam (ang panganay), Jeush (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo). 40 Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat.
Silang lahat ang lahi ni Benjamin.
9 Nailista ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga lahi sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. Ang mga mamamayan ng Juda ay binihag sa Babilonia dahil hindi sila naging tapat sa Panginoon. 2 Ang unang nakabalik sa kanilang mga bayan sa sariling lupain ay ang mga ordinaryong Israelita, mga pari, mga Levita, at mga utusan sa templo.[t]
3 Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manase na nakabalik at tumira sa Jerusalem:
4 Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Perez na anak ni Juda).
5 Sa mga Shilonita: si Asaya (ang panganay) at ang mga anak niya.
6 Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel.
Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.
7 Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Hodavia; si Hodavia ay anak ni Hasenua), 8 si Ibneya na anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi (si Uzi ay anak ni Micri), at si Meshulam na anak ni Shefatia (si Shefatia ay anak ni Reuel; si Reuel ay anak ni Ibnia).
9 Silang lahat ang pinuno ng kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Benjamin, ang lahat ng nakabalik na lalaki ay 956 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
10 Sa mga pari: si Jedaya, si Jehoyarib, si Jakin, 11 si Azaria na pinakamataas na opisyal sa templo ng Dios (anak siya ni Hilkia; si Hilkia ay anak ni Meshulam; si Meshulam ay anak ni Zadok; si Zadok ay anak ni Merayot; si Merayot ay anak ni Ahitub), 12 si Adaya na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pashur; si Pashur ay anak ni Malkia), at si Maasai na anak ni Adiel (si Adiel ay anak ni Jazera; si Jezera ay anak ni Meshulam; si Meshulam ay anak ni Meshilemit; si Meshilemit ay anak ni Imer).
13 Ang mga pari na nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa templo ng Dios.
14 Sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub (si Hashub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabia na mula sa angkan ni Merari), 15 si Bakbakar, si Heres, si Galal, si Matania na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zicri; si Zicri ay anak ni Asaf), 16 si Obadias na anak ni Shemaya (si Shemaya ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berekia na anak ni Asa at apo ni Elkana, na tumira sa baryo ng mga Netofatno.
17 Ang mga guwardya ng pintuan: sina Shalum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak.
Si Shalum ang pinuno nila.
18 Hanggang ngayon, sila pa rin ang guwardya ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan ng lungsod. Sila noon ang mga guwardya ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.
19 Si Shalum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf,[u] na mula sa pamilya ni Kora. Si Shalum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng Tolda katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay[v] ng Panginoon.
20 Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga guwardya ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.
21 Si Zacarias na anak ni Meshelemia ay guwardya rin ng pintuan ng Toldang Tipanan.
22 Ang mga guwardya ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga guwardya ng pintuan (dahil maaasahan sila) ay sina David at Propeta Samuel. 23 Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda. 24 Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog. 25 Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw. 26 Pero ang apat na pinuno ng mga guwardya ng pintuan, na mula sa mga Levita, ang siyang responsable sa mga kwarto at mga bodega ng templo. 27 Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng templo dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.
28 Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin. 29 Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa templo gaya ng harina, katas ng ubas, langis, insenso at mga pampalasa. 30 Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa. 31 Si Matitia na Levita, at panganay na anak ni Shalum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay para ihandog. 32 Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga. 33 Ang mga musikero sa templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi. 34 Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.
Ang Angkan ni Saul(A)
35 Si Jeyel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 36 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot 38 (na ama ni Shimeam). Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem. 39 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama nina Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal. 40 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal[w] na ama ni Micas. 41 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.[x] 42 Si Ahaz ang ama ni Jada,[y] at si Jada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza, 43 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Refaya, ang anak ni Refaya ay si Eleasa, at ang anak ni Eleasa ay si Azel. 44 Si Azel ay may anim na anak na sina: Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.
Hinanap ng mga Tao si Jesus
22-23 Kinabukasan, naroon pa ang mga tao sa kabila ng lawa, kung saan sila kumain ng tinapay matapos magpasalamat ng Panginoon. Alam nilang iisa lang ang bangka roon nang gabing iyon, at iyon ang sinakyan ng mga tagasunod ni Jesus. Alam din nilang hindi kasamang umalis si Jesus ng mga tagasunod niya. Samantala, may dumating na mga bangka galing sa Tiberias at dumaong malapit sa kinaroroonan ng mga tao. 24 Nang mapansin ng mga tao na wala na roon si Jesus at ang mga tagasunod niya, sumakay sila sa mga bangkang iyon at pumunta sa Capernaum para hanapin si Jesus.
Ang Pagkaing Nagbibigay-buhay
25 Pagdating ng mga tao sa Capernaum, nakita nila si Jesus at tinanong, “Guro, kailan pa po kayo dumating dito?” 26 Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang totoo, hinahanap nʼyo ako, hindi dahil sa mga nakita ninyong himala, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27 Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ako na Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil ako ang binigyan ng Ama ng kapangyarihang magbigay nito.” 28 Kaya tinanong ng mga tao si Jesus, “Ano po ang dapat naming gawin upang masunod namin ang ipinapagawa ng Dios?” 29 Sumagot si Jesus, “Ito ang ipinapagawa ng Dios sa inyo: manampalataya kayo sa akin na isinugo niya.” 30 Nagtanong ang mga tao, “Anong himala po ang maipapakita nʼyo para manampalataya kami sa inyo? 31 Ang ating mga ninuno ay kumain ng ‘manna’ noong nasa ilang sila. Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”[a] 32 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay na ibinibigay ng Dios ay walang iba kundi siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo.” 34 Sinabi ng mga tao, “Palagi nʼyo po kaming bigyan ng sinasabi nʼyong tinapay.” 35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.
36 “Ngunit gaya ng sinabi ko sa inyo, ayaw ninyong manampalataya sa akin kahit nakita na ninyo ang mga himalang ginawa ko. 37 Ang lahat ng taong ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at hinding-hindi ko itataboy ang mga lumalapit sa akin. 38 Sapagkat naparito ako mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban ng aking Amang nagsugo sa akin. 39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin: na huwag kong pabayaang mawala ang kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin; sa halip ay bubuhayin ko silang muli sa huling araw. 40 Sapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw.”
41 Samantala, nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sinabi ni Jesus na siya ang tinapay na mula sa langit. 42 Kaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Jesus lang naman iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang mga magulang niya?” 43 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong magbulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa akin maliban kung papalapitin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®