Old/New Testament
Ang Ibang Lahi ni Juda
4 Ito ang iba pang lahi ni Juda: sina Perez, Hezron, Carmi, Hur at Shobal. 2 Ang anak ni Shobal na si Reaya ay ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zoratita.
3 Ito ang mga anak[a] ni Etam: sina Jezreel, Ishma at Idbas. Si Hazelelponi ang kapatid nilang babae.
4 Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husha. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Betlehem.
5 Si Ashur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6 Ang mga anak na lalaki nina Naara at Ashur ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahashtari. 7 Ang mga anak naman nina Hela at Ashur ay sina Zeret, Zohar,[b] Etnan, 8 at Koz. Si Koz ang ama nina Anub at Hazobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9 May isang tao na ang pangalan ay Jabez. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabez[c] dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.” 10 Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.
11 Si Kelub na kapatid ni Shuha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at 12 si Eston ang ama nina Bet Rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir Nahash. Sila ang angkan ni Reca.[d]
13 Ang mga anak na lalaki ni Kenaz ay sina Otniel at Seraya. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.[e] 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraya naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday.[f] Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.
15 Ito ang mga anak na lalaki ni Caleb na anak ni Jefune: sina Iru, Elah at Naam. Ang anak na lalaki ni Elah ay si Kenaz.
16 Ang mga anak na lalaki ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tiria at Asarel.
17-18 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon.[g] Ang mga anak nila ay sina Miriam, Shamai at Ishba. Si Ishba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Judea, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jekutiel na ama ni Zanoa. 19 Napangasawa ni Hodia ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20 Ang mga anak na lalaki ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang mga angkan ni Ishi ay sina Zohet at Ben Zohet.
21 Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea. 22 Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.) 23 Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
Ang Angkan ni Simeon
24 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul. 25 Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma. 26 Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei. 27 May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda. 28 Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Betuel, Horma, Ziklag, 31 Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David. 32 Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan, 33 pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat.[h] Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.
Ito ang iba pang lahi ni Simeon: 34 sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia 35 Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel, 36 Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya 37 at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya. 38 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila, 39 kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa, 40 at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham. 41 Pero noong panahon na si Haring Hezekia ang hari ng Juda, nilusob ang lahi ni Ham ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit sa itaas. Nilusob din nila ang mga Meuneo na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa. 42 Lumusob ang 500 sa kanila sa kabundukan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatia, Nearia, Refaya at Uziel na mga anak ni Ishi. 43 Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.
Ang Lahi ni Reuben
5 Si Reuben ang panganay na anak ni Israel,[i] pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak. 2 Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose. 3 Ito ang mga anak na lalaki ni Reuben na panganay ni Israel: sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.
4 Ito ang mga angkan ni Joel: sina Shemaya, Gog, Shimei, 5 Micas, Reaya, Baal, 6 at Beera. Si Beera ang pinuno ng lahi ni Reuben nang binihag sila ni Haring Tiglat Pileser[j] ng Asiria. 7 Ito ang mga kamag-anak ni Beera na naitala sa talaan ng kanilang mga angkan ayon sa kanilang lahi: si Jeyel na pinuno, si Zacarias, 8 at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Shema at apo ni Joel. Ito ang lahi ni Reuben na tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal Meon. 9 At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates. 10 Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagreo sa buong silangan ng Gilead.
Ang Lahi ni Gad
11 Tumira ang lahi ni Gad sa lupain ng Bashan na kasunod ng lupain nina Reuben, hanggang sa Saleca. 12 Ito ang lahi ni Gad: si Joel, na siyang pinuno sa Bashan, ang sumunod sa kanya ay si Shafam, pagkatapos ay sina Janai at Shafat. 13 Ang kanilang mga kamag-anak ayon sa bawat pamilya ay sina Micael, Meshulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber – pito silang lahat. 14 Sila ang mga angkan ni Abihail na anak ni Huri. Si Huri ang anak ni Jaroa at apo ni Gilead, at apo sa tuhod ni Micael. Si Micael ay anak ni Jeshishai at apo ni Jado, at apo sa tuhod ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya. 16 Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon. 17 Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.
18 May 44,760 sundalo sa mga lahi nina Reuben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manase. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana. 19 Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetureo, Nafiseo, at Nodabeo. 20 Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito. 21 Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag din nila ang 100,000 tao, 22 at marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Dios sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.
Ang Kalahating Lahi ni Manase
23 Ang kalahating angkan ni Manase ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal Hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: sina Efer, Ishi, Eliel Azriel, Jeremias, Hodavia at Jadiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila. 25 Pero hindi sila naging tapat sa Dios ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga dios ng mga taong nilipol ng Dios sa lupaing iyon. 26 Ito ang dahilan kung bakit niloob ng Dios ng Israel na lusubin sila ni Pul na hari ng Asiria (na siya ring si Tiglat Pileser). Binihag ni Pul ang mga lahi ni Reuben at Gad, pati na ang kalahating lahi ni Manase at dinala sa Hala, Habor, Hara, at sa Ilog ng Gozan, kung saan doon sila naninirahan hanggang ngayon.
Ang Lahi ni Levi na mga Pari
6 Ito ang mga anak na lalaki ni Levi: sina Gershon,[k] Kohat at Merari. 2 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 3 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 4 Si Eleazar ay ama ni Finehas, si Finehas ay ama ni Abishua, 5 at si Abishua ay ama ni Buki. Si Buki ay ama ni Uzi, 6 si Uzi ay ama ni Zerahia at si Zerahia ay ama ni Merayot. 7 Si Merayot ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, 8 si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz, 9 si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan. 10 Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem. 11 Si Azaria ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, 12 at si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Shalum, 13 si Shalum ay ama ni Hilkia at si Hilkia ay ama ni Azaria. 14 Si Azaria ay ama ni Seraya at si Seraya ay ama ni Jehozadak. 15 Si Jehozadak ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
Ang Iba pang Lahi ni Levi
16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gershon, Kohat at Merari. 17 Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei. 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi.
Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20 Sa mga angkan ni Gershon: sina Libni, Jehat, Zima, 21 Joa, Iddo, Zera at Jeaterai.
22 Sa mga angkan ni Kohat: sina Aminadab, Kora, Asir, 23 Elkana, Ebiasaf,[l] Asir, 24 Tahat, Uriel, Uzia at Shaul. 25 Sa mga angkan ni Elkana: sina Amasai, Ahimot, 26 Elkana, Zofai, Nahat, 27 Eliab, Jeroham, Elkana at Samuel.[m] 28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel,[n] ang panganay, at ang ikalawa ay si Abijah.
29 Sa mga angkan ni Merari: sina Mahli, Libni, Shimei, Uza, 30 Shimea, Haggia at Asaya.
Ang mga Musikero sa Templo
31 May mga taong itinalaga ni David sa pag-awit at pagtugtog sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan. 32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahon na naipatayo ni Solomon ang templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila. 33 Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:
Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elkana. 34 Si Elkana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toa. 35 Si Toa ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai. 36 Si Amasai ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azaria. Si Azaria ay anak ni Zefanias. 37 Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora. 38 Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)
39 Si Asaf na mula sa angkan ni Gershon. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berekia. Si Berekia ay anak ni Shimea. 40 Si Shimea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseya. Si Baaseya ay anak ni Malkia. 41 Si Malkia ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaya. 42 Si Adaya ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Shimei. 43 Si Shimei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gershon. Si Gershon ay anak ni Levi.)
44 Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Kishi. Si Kishi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc. 45 Si Maluc ay anak ni Hashabia. Si Hashabia ay anak ni Amazia. Si Amazia ay anak ni Hilkia. 46 Si Hilkia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Shemer. 47 Si Shemer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Mushi. Si Mushi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)
48 Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Toldang Sambahan, ang bahay ng Dios. 49 Pero si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Dios. 50 Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abishua, 51 Buki, Uzi, Zerahia, 52 Merayot, Amaria, Ahitub, 53 Zadok, at Ahimaaz.
Ang mga Lupain ng Lahi ni Levi
54 Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55 Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56 Pero ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng Hebron ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58 Hilen,[o] Debir, 59 Ashan,[p] Juta,[q] at Bet Shemesh. 60 At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon,[r] Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat. 61 Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase.
62 Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
63 Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
64 Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65 Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin. 66 Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68 Jokmeam, Bet Horon, 69 Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70 Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71 Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:
Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.
72 Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat, 73 Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.
74 Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon, 75 Hukok at Rehob, pati ang mga pastulan nito.
76 Mula sa lahi ni Naftali: Kedesh sa Galilea, Hammon at Kiriataim, pati ang mga pastulan nito.
77 Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain:
Mula sa lahi ni Zebulun: Jokneam, Karta,[s] Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito.
78 Mula sa lahi ni Reuben na nasa kabilang Ilog ng Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza,[t] 79 Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito.
80 At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81 Heshbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.
Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao(A)
6 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao dahil nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling ng mga may sakit. 3 Umakyat si Jesus at ang mga tagasunod niya sa isang bundok at naupo roon. 4 (Malapit na noon ang pista ng mga Judio na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel.) 5 Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kanya. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo makakabili ng pagkain para pakainin ang mga taong ito?” 6 (Tinanong niya ito upang subukan si Felipe, kahit alam na niya ang kanyang gagawin.) 7 Sumagot si Felipe, “Sa dami po nila, ang walong buwan na sahod ng isang tao ay hindi sapat para pakainin ng kahit tigkakaunti ang bawat isa.” 8 Sinabi naman ng isa sa mga tagasunod niyang si Andres na kapatid ni Pedro, 9 “May isang batang lalaki rito na may limang tinapay at dalawang isda. Pero kakasya ba naman ito sa dami ng tao?” 10 Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Umupo naman ang mga tao dahil madamo sa lugar na iyon. Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga 5,000 na. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat. 12 Pagkakain nila, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.” 13 Tinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng 12 basket.
14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, “Siguradong ito na nga ang propetang hinihintay nating darating dito sa mundo!” 15 Alam ni Jesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at muling umakyat nang mag-isa sa bundok.
Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig(B)
16 Nang gumagabi na, nagpunta ang mga tagasunod ni Jesus sa tabi ng lawa. 17 Madilim na at wala pa rin si Jesus, kaya sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum. 18 At habang tumatawid sila, nagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. 19 Nang nakasagwan na sila ng mga anim o limang kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanilang bangka. At natakot sila. 20 Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.” 21 Kaya pinasakay nila si Jesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®