Old/New Testament
17 Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu. 19 Mag-usap kayo sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit. Umawit at magpuri kayo sa Panginoon sa inyong puso. 20 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayong lagi sa Diyos at Amasa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
21 Ipasakop ninyo ang inyong mga sarili sa isa’t isa sa pagkatakot sa Diyos.
Mga Asawang Babae at Mga Asawang Lalaki
22 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyo-inyong asawa gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.
23 Ito ay sapagkat ang asawang lalaki ay siyang ulo ng asawang babae, tulad ni Cristo na ulo ng iglesiya at tagapagligtas ng katawan. 24 Kung papaanong ang iglesiya ay nagpasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae ay magpasakop sa sarili nilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesiya at ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para dito. 26 Ito ay upang kaniyang gawing banal ang iglesiya sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita. Ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili upang gawing banal ang iglesiya. 27 Ito ay upang maiharap niya ang iglesiya sa kaniyang sarili na isang marilag na iglesiya, walang batik o kulubot o anumang mga gayong bagay, sa halip, ang iglesiya ay maging banal at walang kapintasan. 28 Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa tulad ng pag-ibig nila sa kanilang sariling katawan. Siya na nagmamahal sakaniyang asawa ay nagmamahal sa kaniyang sarili. 29 Ito ay sapagkat wala pang sinumang namuhi sa kaniyang sariling katawan kundi inaalagaan ito at minamahal tulad ng ginagawa ng Panginoon sa iglesiya. 30 Ito ay dahil tayo ay bahagi ng kaniyang katawan, ng kaniyang laman at ng kaniyang mga buto.
31 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikipag-isa sa kaniyang asawa at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ito ay isang dakilang hiwaga, ngunit nagsasalita ako patungkol kay Cristo at sa iglesiya. 33 Gayunman, ang bawat isa sa inyo ay magmahal sa kaniyang asawang babae tulad sa kaniyang sarili. Ang asawang babae ay magpitagan sa kaniyang asawa.
Copyright © 1998 by Bibles International