Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 8:1-21

Buhay sa Pamamagitan ng Espiritu

Ngayon nga ay wala nang kahatulan sa kanila na na kay Cristo Jesus. Sila ang mga lumalakad na hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.

Ito ay sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhayna nasa kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa akin mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. Ito ay sapagkat ang kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan. Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.

Ito ay sapagkat sila na mga ayon sa makalamang kalikasan ay nag-iisip ng mga bagay ukol sa laman. Ngunit sila na mga ayon sa Espiritu ay nag-iisip ng mga bagay ukol sa Espiritu. Ang mag-isip sa makalamang kalikasan ay kamatayan. Ang mag-isip sa Espiritu ay buhay at kapayapaan. Ang mag-isip sa makalamang kalikasan ay pagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindiito nagpapasakop sa kautusan ng Diyos ni hindi rin ito maaaring magpasakop. Sila na nasa makalamang kalikasan ay hindi makapagbibigay lugod sa Diyos.

Kayo ay wala sa makalamang kalikasan. Kayo ay nasa Espiritu kung ang Espiritu ng Diyos ay tunay na nananahan sa inyo. Ang sinumang walangEspiritu ni Cristo, siya ay hindi sakaniya. 10 Yamang si Cristo nga ay nasa inyo, tunay ngang ang katawan ay patay dahil sa kasalanan. Ngunit dahil sa katuwiran, ang Espiritu ay buhay. 11 Ngunit kung ang Espiritu na nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ay nananahan sa inyo, siya na nagbangon kay Cristo mula sa mga patay ay magbibigay din ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nananahan sa inyo.

12 Kaya nga, mga kapatid, tayo ay may pagkakautang hindi sa makalamang kalikasan upang tayo ay mamuhay ayon sa makalamang kalikasan. 13 Ito ay sapagkat namamatay na kayo kung mamumuhay kayo sa makalamang kalikasan. Ngunit kayo ay mabubuhay kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng inyong katawan. 14 Ito ay sapagkat sila na inaakay ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos. 15 Ito ay sapagkat hindi kayo tumanggap ng Espiritu na magdadala sa inyo sa muling pagkaalipin sa takot. Subalit ang tinanggap ninyo ay ang Espiritu ng pag-ampon, kaya nga, tayo ay tumatawag ng: Abba, Ama. 16 Ang Espiritu ang siyang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo ay mga anak ng Diyos. 17 Yamang tayo nga ay mga anak, tayo ay mga tagapagmana. Tagapagmana tayo ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Yamang tunay na naghirap tayo nakasama niya, tayo ay luluwalhatiin ding kasama niya.

Kaluwalhatian sa Hinaharap

18 Ito ay sapagkat itinuturing ko na ang mga paghihirap sa kasalukuyan ay hindi karapat-dapat ihalintulad sa kaluwal­hatiang ihahayag na sa atin.

19 Ito ay sapagkat ang matamang pag-asam ng nilikha ay naghihintay sa paghahayag sa mga anak ng Diyos. 20 Ang nilikha ay ipinasakop sa paggawa ng mga bagay na walang kabuluhan. Hindi nang kusang loob, subalit sa pamamagitan niya na nagpasakop nito sa pag-asa. 21 Upang ang nilikha din naman ay mapalaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan patungo sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International