Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 8:1-27

Ang Babaeng Nagkakasala ng Pangangalunya

Si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo.

Sa pagbubukang-liwayway, siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya. Siya ay umupo at tinuruan sila. Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga Fariseo ang isang babae na nahuling nangangalunya. Inilagay nila siya sa kalagitnaan. Sinabi nila sa kaniya: Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa paggawa ng pangangalunya. Iniutos sa amin ni Moises sa kautusan na batuhin ang katulad nito. Ano ang masasabi mo? Ito ay kanilang sinabi upang subukin siya nang mayroon silang maiparatang laban sa kaniya.

Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri.

Sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya. Sinabi niya sa kanila: Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya. Siya ay muling yumukod at sumulat sa lupa.

Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay isa-isang lumabas, simula sa mata­tanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si Jesus gayundin ang babae na nakatayo sa kalagitnaan. 10 Nang tumindig si Jesus ay wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?

11 Sinabi niya: Wala, Ginoo.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.

Tunay ang Patotoo ni Jesus

12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng sanlibutan. Siya na sumusunodsa akin ay hindi lalakad kailanman sa kadiliman. Siya ay magkakaroon ng ilaw ng buhay.

13 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kaniya: Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo ay hindi totoo.

14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko naman ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao. Wala akong hinahatulang sinuman. 16 Ngayong humahatol ako, ang aking hatol ay totoo dahil ako ay hindi nag-iisa. Kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin. 17 Nasusulat din sa inyong kautusan, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 18 Ako ang nagpapatotoo sa aking sarili at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo patungkol sa akin.

19 Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan ang iyong Ama?

Sumagot si Jesus: Hindi ninyo ako nakikilala, ni ang aking Ama. Kung nakilala ninyo ako ay nakikilala rin ninyo ang aking Ama.

20 Ang mga salitang ito ay sinabi ni Jesus nang siya ay nagtuturo sa templo. Sila ay nasa silid na pinaglalagyan ng mga kaloob. Walang taong dumakip sa kaniya sapagkat hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

21 Muling sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan.

22 Sinabi nga ng mga Judio: Magpapakamatay ba siyakaya niya sinabi: Sa aking pupuntahan ay hindi kayo makakapunta?

23 Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. 24 Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.

25 Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba?

Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa.

26 Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.

27 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International