Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Juan 3:19-36

19 Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20 Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.

Ang Patotoo ni Juan na Tagapagbawtismo Patungkol kay Jesus

22 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea.Siya ay nanatili roong kasama nila atnagbawtismo.

23 Si Juan ay nagbabawtismo rin sa Enon na malapit sa Salim sapagkat maraming tubig doon. Sila ay pumaroon at nabawtismuhan. 24 Ito ay sapagkat hindi pa nakabilanggo noon si Juan. 25 Nagkaroon ng isang kata­nungan ang mga alagad ni Juan at ang mga Judio patungkol sa pagdadalisay. 26 Sila ay lumapit kay Juan at sinabi sa kaniya: Guro, tingnan mo ang kasama mo sa ibayo ng Jordan na iyong pinatotohanan ay nagbabawtismo. Lahat ay pumupunta sa kaniya.

27 Tumugon si Juan at nagsabi: Hindi makakatanggap ng anuman ang isang tao malibang ito ay ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. 28 Kayo ang makapagpapatotoo na aking sinabi: Hindi ako ang Mesiyas. Ako ay sinugong unasa kaniya. 29 Siya na lalaking ikakasal ang siyang may babaeng ikakasal. Ang kaibigan ng lalaking ikakasal ay nakatayo at nakikinig sa kaniyang tinig. Siya ay lubos na nagagalak sapagkat naririnig niya ang tinig ng lalaking ikakasal. Sa ganito ring paraan ako ay lubos na nagagalak. 30 Kinakailangang siya ay maging higit na dakila at ako ay maging higit na mababa.

31 Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. 32 Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33 Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. 34 Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. 35 Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. 36 Siya na sumasam­palataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International